local flava
happy new year! mukhang marami ring nagbakasyon na blog a. ako, gusto ko sanang mag-post ng new year's resolution at wishes e pero wag na lang. ayokong ipakita ang emo side ko sa blog na ito.
teka muna, ano itong chizmax na noong kasagsagan ng pagbaha sa calapan ay may isang batikang reporter ng isang higanteng istasyon na nagpapabayad ng hotel bills nila? ano ba yan?! kami na nga itong binaha tapos nage-expect pa sila ng special treatment?! saka hindi sila dapat bayaran in any form para lang mai-cover ang ganong balita. responsibilidad nila na ipaalam ito sa mga tao. e buti nga sana kung maayos ang pagkaka-cover nila! buti pa yung kabilang istasyon, talagang tinutukan at mas malaman ang coverage. tsk tsk, taga-amin pa naman yung dalawang big names dyan, yung isa sa kanila ay pumalaot na sa pulitika. hehe, hindi pa ako emotional sa lagay na yan (e ibang emo naman ito). sabagay, noon pa man ay talagang mas magaling itong kabilang istasyon pagdating sa news and current affairs. at humahabol na rin sila sa ibang program genre.
nabasa ko kahapon sa new york times na imbes na organic ay dapat mga local na pagkain ang ating tangkilikin. ano'ng pagkakaiba? masyado na raw ginamit ang term na organic ng mga malalaking agribusiness. sumakay na rin sila sa craze na ito at nag-mass produce na rin sila. ang siste, sila ang payaman ng payaman imbes na tangkilikin ang produkto ng ating mga lokal na magsasaka. isa pa, mas maraming nako-consume na enerhiya sa pagta-transport nito papunta sa kinauukulang market.
why not local? e di nga naman, dun na tayo kumuha ng produktong organic sa komunidad o kalapit na rehiyon natin. sa ganoong paraan ay matutulungan natin ang lokal na magsasaka at makasisiguro pa tayo sa kalidad nito.
yun lang naman. at syanga pala, ang isang resolusyon ko ay makapagsulat dito at least once a week. bow!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home