Tuesday, November 29, 2005

minsan

mamaya na ang ultraelectromagnetic jam concert at wala pa rin akong tiket! ubos na ba talaga? gusto ko talagang pumunta. sana magbenta pa mamaya sa venue. sana walang masyadong mga punkista na naka-black. sana yung mga dadalo ay yung mga kasama lang sa eheads generation at hindi yung mga fans ng sponge cola, 6 cycle mind, cueshe, mymp, south border, kitchie at paolo santos. wehehe, nagpapaka-selfish na naman ako.

sana nandun si ely. sana andun ang buong eheads. sobrang imposible pero okay na rin na wala sila. mas gugustuhin kong wag na lang silang magkasama-sama dahil hindi na maibabalik ang dati. hindi ko na rin makakasama ang mga kaibigan ko, ang mga kasabayan kong tumili at bumuntut-buntot sa eheads. wala na. si brends nasa singapore. si eds, na-outgrow na nya ang pagpunta-punta sa mga concert e saka rivermaya fan naman talaga sya. yung ibang housemates ko, nagsipag-asawa na at ngayon ay nasa abroad at probinsya. si ex, nagyayaya. ayoko nga! sobra na yon. imaginin mo, ako, si ex tapos mga kanta ng eheads sa isang venue. mas mabuti pang magbigti na lang ako.

pero kahit wala si ex o ang eheads mamaya, unti-unti na rin naman akong namamatay. dahil ikakasal na si ex. at iniwan na ako ng eheads ng tuluyan.

4 Comments:

At 9:45 AM, Anonymous Anonymous said...

ako gusto ko magpunta, kase i had this fantasy that eheads will perform for the finale. now that would be a finale for the books! pero gaya nga ng sabi mo, malabo mangyari, so huwag na lang.

"pero kahit wala si ex o ang eheads mamaya, unti-unti na rin naman akong namamatay. dahil ikakasal na si ex. at iniwan na ako ng eheads ng tuluyan."

---> that is sad...but that will be CLOSURE for you mayang, CLOSURE! some individuals go through life wishing for precisely that - a closure, a severing of ties real or imaginary, an ending to a story that began 3, 5,10 or even 12 years ago.

hugs,

J

 
At 10:09 AM, Blogger mayang said...

sino bang nag-imbento ng lintek na closure na yan?! hindi naman totoo yan e. maraming babaeng hindi makamove on move on dahil naghihintay ng closure. paano kung hindi maibigay yon ng partner involved? nasa sa atin na yon.

- mayang's astig self

 
At 10:10 AM, Blogger mayang said...

and thanks J! how bout you? hehe

 
At 11:13 AM, Anonymous Anonymous said...

shet! e-heads? nostalgia 'to...

anyway, i would gladly join you mayang kung nandyan lang ako. kahit pa pumila tayo ng 5 oras o makipagsiksikan para lang magpa-autograph o dekwatin yung empty cough syrup bottle ni ely (teka, si twinks ata yun?).

B

 

Post a Comment

<< Home