Baha pa rin!
Kate-text lang ng papa. Pinapatawag ako sa Kakang Flor at pinapatanong kung baha pa sa kanila sa Libis. Palaki na raw ng palaki ang tubig. Kanina hanggang dibdib na. Sabi ng Ate Glen sinusundo na nila kagabi ang mga mama pero ayaw sumama at ayaw iwan ang gamit. Naku, ang mga libro ko, journals at pictures namin! Ang mga manok ni Alvin! Hindi nga ako masyadong makatulog kagabi at ini-imagine ko yung baha dun.
Sabi kanina ni Senator Gordon walang makalapag na helicopter. Malamang me mga barangay naman na mababa lang ang baha katulad sa bayan, Calero, Salong, San Antonio, Lazareto, Parang, Silonay. Kami kasi papuntang South e, papunta na sa mga bukid. Sabi ni Majal bumigay na rin yung isang dike sa Pola. Aargh!
No batt na si Alvin at ang mama. Ang Papa low batt na. Paano kaya sila lilikas? Ano'ng kinakain nila? Saan sila kumukuha ng tubig na pang-inom?
8 Comments:
nakakatakot naman...sana humupa na ang baha at manatiling ligtas ang pamilya mo.
i feel so guilty kasi kung di pa sa driver ng boss ko kanina, di ko alam na ang aking sinilangang bayan ay dumaranas ng kalamidad.....pi ang mga illegal loggers na yan!!!! mga buwaya sa katihang dapat isugba sa bulkan....hindi nila kailanman iindahin ang baha kaya dapat silang sunugin!!!!!!!!!!grrrrrrrrrrrrhhhhhhhhhhh
sabi ng papa baka mamaya ay makatulog na sila sa bahay kahit me baha pa. pahupa na daw e. sa evacuation center yung dalawa kong pinsan. ang mama at papa ay sa jeep namin natutulog. si alvin, ewan. ang bait nga ng mga kamag-anak namin hinahatiran sila lagi ng pagkain.
wala, lost na talaga ang mga libro at journals ko. pero wala kayo sa nanay ko, ang isinalba ay grad pic ko, titulo at alahas in that order! haha.
nga pala, namigay raw kahapon ng relief goods ang pbb housemates. hindi ko alam kung sinu-sino.
it scares to think that after ten years, remember when earthquake hit or mindoro? my kids are there, living with my parents. LET US pray, malungkot ang pasko ng mga kababayan natin don.Di ko nga alam kung makakauwi pa ako nito. sana naman tumigil na ulan
mayang, nalito ako sa pagpopost ng comment lolz.miss na kita mayang si cate to lolz
hi cate! thanks for visiting my blog. yeah, sana malampasan natin ito. belated happy birthday kay william!
daan ka sa page ko ha. may makikita ka don lolz. miss ko na kayo...nagpapasalamat pa rin ako kasi wala namatay gaano di tulad ng nangyari sa ormoc. at least may paabiso pa ang langit. siguro panggising lang to.
whew! mabuti naman at pahupa na ang baha. mahal na mahal ka talaga ni tita e mayang! =P
J
Post a Comment
<< Home