Monday, December 12, 2005

Pekeng Dibidi, Pekeng Pangulo

Plaza Miranda, Disyembre 10, 9am. Alas nuwebe ang usapan pero ni isang bakti ay wala akong matanaw. Dito ba ang assembly? Kebs, pumunta muna ako sa Hidalgo para bumili ng mga dibidi. Aba, malapit na rin lang ako e kaya samantalahin na. Haha andami kong nabili! Sideways, Melinda Melinda, Trainspotting, Pulp Fiction, No Doubt Greatest Hits. Ayus!

Balik uli sa Plaza Miranda. Tunay ka, andun na ang iba't ibang sektor at may mga hawak na bandila at banner. Andun na ang stage/truck at sound system. Andun na ang media. Ngek, dapat pala white shirt. Sabi ko nga white shirt e kasi lagi rin naman akong naka-white shirt. Yung red shirt day pala ay nung Biyernes. Hehe, yung iba ay naka-Serve the People shirt pero ako ay naka-I kissed Justine shirt. E yun lang kasi ang red shirt ko. E sino bang nagsabing mag-red shirt ako? Wtf?!

Iginala ko muna ang mata ko sa paligid. Me mga bata mula sa Children's Rehabilitation Center na nagpipinta ng banner. Si Aling Mameng naman nagpa-photo op, tinapak-tapakan at sinuntok-suntok ang imahe ni Gloria. Okay, padami na ng padami ang tao hanggang makita ko na ang mga kasama ko.

Nagsimula na ang programa. Nagsalita na ang mga representante ng iba't ibang sektor. Dyusme, ang init to the max! Binanggit ang mga isyu katulad ng Hello Garci, E-VAT at WTO. Syempre, ang pinakamatindi ay ang pagpatay sa mga human rights activists. Maya-maya ay dumating na ang delegasyon na nagmula sa Rotonda. Hawak hawak nila ang mga larawan ng pinatay na aktibista. Andun ang larawan ng mga kababayan ko, sina Leyma Fortu, Juvy Magsino, Erwin Bacarra, Choy Napoles. Nakaka-agit. Sa ilalim ng rehimeng Arroyo, daan daan na ang napatay. Lahat kami ay nagkakaisa na patalsikin/i-evict ang pekeng pangulo.

Konting salitaan pa at pagpapakilala sa mga organisasyong andon. Maya't maya rin ang pag-agit sa mga andun- pagsigaw ng mga slogan at pagpapatugtog ng protest songs na halaw sa mga popular na kanta. Pagkatapos ng programa ay tumulak na papuntang Mendiola. Paminsan-minsan ay tumatakbo kami para hindi maputol ang formation. Ayus, hindi ko na kailangan ng exercise.

Pagdating sa Recto, nakaharang na ang mga pulis. Kebs, doon na rin nagdaos ng programa. Andun pa rin ang mga beterano ng lansangan, ang mga pamilyar na mukha. Andun din ang tunay na Mayang na naging officemate ko dati. Maayos naman ang pagkaka-organisa ng mob hanggang sa dispersal.

Wow, noon ko lang naramdaman ang pagod pero excited pa rin akong umuwi kina Mariel para manood ng dibidi. Unang salang, no disc. 2,3,4,5, no disc lahat! Lintek! Niloko ako not just once but thrice! Kasi tatlong magkakaibang stall ang pinagbilhan ko. O kaso lang kaya ito ng compatibility sa tv at player? Ganun yung nabasa ko sa forums e. Aargh! Napeke ako! Lintek!

2 Comments:

At 3:13 PM, Blogger Suyin said...

ey sayang d ako nakasama sa hr rally. ;)

 
At 8:29 AM, Blogger mayang said...

oo nga, wala tuloy akong piktyur!

 

Post a Comment

<< Home