Friday, January 13, 2006

gender issues in goat raising (when all i really wanted are kaldereta and papaitan)

balak kong bumili ng boer kay ma'am. naku, siguradong matutuwa ang kapatid ko kasi malalahian ng imported ang mga kambing nya. labinglima na ang kambing nya. yung isa ay kinatay noong bagong taon at pihadong me kakatayin uli sa birthday nya sa march. ewan ko kung me mga paanakin ngayon. naku, e ayaw nga akong pasosyohin nun e. ngayon wala na syang choice haha!

iniisip ko nga kung lalaki o babaeng boer ang bibilhin ko e. pag babae, makakapagbigay ng maraming anak. pag lalaki, malalahian nito ang mga lokal at magiging mas marami ang anak!
tama naman di ba? kaya lalaki na talaga ang bibilhin ko.

naalala ko tuloy yung kinwento ni ma'am na uplb study tungkol sa gender issues in goat raising. sabi roon, mas pinapahalagahan daw ang babaing kambing dahil sila ang nanganganak at sila ang nagpaparami ng kambing. ang mga lalaki naman ang kalimitang pinapatay upang kainin dahil hindi naman sila nabubuntis at nanganganak ng maraming kambing.

me gender at pati na rin economic issue sa pagpili ko ng bibilhing kambing. yun na nga, pag lalaki, kaya nitong lahian hindi lang isa kundi kahit ilan pang babaeng kambing. syempre, mas maraming mabubuntis at mas marami ang magiging anak. at iisa lang ang tatay! machong macho di ba? me class issue rin pala. dahil nga imported ang boer, mas in demand at mas pinapahalagahan.

sino'ng may gusto ng kaldereta at papaitan?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home