Wednesday, November 16, 2005

starbuck's manang-gerie

nakasabay ko si IDEAL sa bus at barko pauwi. akala ko kung sino'ng girl ang kasama n'ya, utol n'ya pala. hmmm..

nakita ko si ex sa probinsya. nakaputi s'ya. at nabanggit ko sa kanya dati na gusto ko sa lalaki (saka sa babae o kahit sino) na nagsusuot ng white shirt. malamang naaalala n'ya ako pag nagpuputi s'ya (haha, assumptionista).

nakasama ko rin ang isa sa mga long-time crush ko. cute pa rin s'ya kaya lang ngayon ko lang na-discover ang rough pala ng hands n'ya. saka sabi ni renan ang pangit daw ng ngipin nun e. hindi ko napapansin.

tinext ko out of the blue si classmate. 'yan kasi, paramdam ng paramdam, at all saints' day pa!

shit, ang babaw na ng kaligayan ko. text lang e tambling na agad ako sa tuwa na parang kinukurot ang t***gil.

********

noong nasa starbuck's kami, nabanggit ni grad classmate slash friend, dapat daw instead of mayang ay manang na lang ang name ng blog ko. kasi, sabi ko sa kanya i'm turning into a bore.

diretso na kami sa usapang daks (daks saga). napunta ang usapan namin sa effectiveness daw ng long conversations bilang foreplay. wow, andaming nagpo-foreplay sa starbuck's kung ganon.

balik sa usapang starbuck's. i don't drink tea or coffee. nahihilo ako, nagsusuka pa minsan. nakwento ko nga ke mariel dati na C2 lang ang nilaklak ko e nasuka pa ako. sabi n'ya baka hindi ako hiyang sa C2. baka sa T2 ako hiyang. go figure.

so ano'ng gagawin ko sa starbuck's? maging wallflower. syet, feeling ko manang na manang ako nung time na 'yun. matronic? hindi pa naman.

tama si daks, kailangang mai-release ko ang aking pent-up sexual energies. potah ka!

5 Comments:

At 10:15 PM, Blogger Ederic said...

Hindi ako mahilig sa kape, kaya di ako nag-i-Starbucks. Saka hanggang ngayon, ilang pa rin ako sa mga sosi na tambay roon. Pero pag may pera, naki-Figaro ako, para sa kapeng barako. :D

 
At 10:40 PM, Blogger Ederic said...

Oo nga pala, maaari ba nating i-reprint sa Tinig.com ang iyong post tungkol sa PBB? Para sa iyong sagot, ang e-mail address ko ay ederic[at]gmail[dot]com.

 
At 7:48 AM, Blogger mayang said...

hindi rin ako taong starbucks. sabi ng mga friends ko kaya ako nagsusuka sa mga kape nila kasi hindi ako sanay haha!

wow, thanks for your interest. gusto mo i-update ko yung write-up ko o yun na rin? andami na kasing nangyari hindi ko na nasubaybayan.

 
At 2:52 PM, Blogger Ederic said...

Sige ba, please. E-mail mo na lang sa akin. Hintayin ko hanggang weekend. :)

 
At 5:19 PM, Anonymous Anonymous said...

ei madz, tamang-tama kasi im contemplating on a starbucks saga....hmmmm, ako taong-starb talaga at saksi ang starbucks sa iba't-ibang usapan at usaping mahalaga sa akin.ibat-ibang klase ng enerhiya ang nailabas ko sa stb

-li

 

Post a Comment

<< Home