Tuesday, September 13, 2005

where art thou, comrades?

nakakatakot ang pagbabago. nakakapanghina. nasaan na ang mga kasamahan ko na kasabayang nag-rally sa ayala para sa budget cut? nasaan na ang orgmates ko na pasimuno ng student movement noong nasa kolehiyo kami?

kababasa ko lang ng young blood article ni orgmate. nakakapanghina. nagbago na siya. nagbago na sila. at nakakatakot din. ako lang ba ang hindi nagbabago? o nabubulag lang ako sa aking "maling" paniniwala?

tinutudyo ako ni best friend. o, asan na ang mga kaibigan nating aktibista? ayun at nasa ibang bansa at nagsisilbi sa mga banyaga. yung nag-recruit sa akin, hayun, nung muli kaming nagkita ay beso beso na lang. ni wala nang pagbanggit sa aming pinagsamahan dati. malamang hindi na sya aktibo.

hindi ko mapigilang isipin na ginawa lang nilang tuntungan ang aktibismo upang makilala at mabigyan ng pagkakataon na humawak ng student council o kaya naman ay posisyon sa org o student paper.

o baka naman sadyang ganon na kapag nakaalpas sa paaralan ay sabay ding aalpas ang lahat ng ideyalismong kanilang pinanghahawakan (iyon ay kung meron nga. tingnan ang naunang paragraph). dahil lang ba ito sa kapusukang hatid ng kabataan?

o kaya pag andyan na sa tinatawag na real world, andyan na ang realidad na kailangang kumayod upang suportahan ang sarili at pamilya. walang kwenta ang pagra-rali kung kumakalam ang sikmura, ika nga.

gising, mayang! wala na sa uso yang mga pinagsasasabi mo. we have to keep up with the times. malamang yan ang sasabihin sa akin. ako talaga, aaminin ko, hindi ko kaya ang supreme sacrifice: the tibak lifestyle of stripping oneself down to the barest essentials. sino'ng magbabayad ng renta? ano'ng ginhawa ang maibibigay ko sa aking pamilya? (note: future tense itu) paano na ang aking mala-magasin na pangarap? aaminin ko, burges pa rin ako pagdating dyan.

kung tutuusin, hindi naman ako yung tipikal na aktibista. hindi ako palasalita. konti nga lang ang nakakakilala sa akin e. hindi ako prominent figure. wala ako sa entablado, nasa likod ako nito. maaaring sabihin ng iba wala akong karapatang ituring ang sarili ko na aktibista. maaaring kwestyunin nila ang aking kontribusyon.

ako ay nasa propaganda. ako ay nasa behind the scenes. panulat ang aking sandata. naniniwala pa rin ako na hindi basura ang mga sinusulat ko, na may kakayahan itong makaimpluwensya kahit isa o iilang tao. masaya na ako nun pero alam kong marami pang dapat gawin.

ayokong mawala ang apoy sa aking pagkatao. kaya ako nag-aaral, kaya ako nananatili sa trabaho ko, dahil ito ang nagsisilbing gatong sa apoy, sa mismong core ng aking pagkatao. ito na ako. at ito ang buhay na susundin ko.

ganun din naman silang mga dati kong orgmates at comrades. may kakayahan silang lumikha ng sarili nilang apoy ayon sa kanilang pagpapakahulugan dito. bakit pa ba ako magtataka? sa huli ay naibsan na rin ang duda ko sa sarili ko at sa kanila at nanumbalik ang tiwala ko sa sangkatauhan.

keep the fire burning!

3 Comments:

At 2:27 PM, Anonymous Anonymous said...

ouch! mukhang medyo tinamaan ako dun ah! :p

pero i can confidently say that the fire of activism still burns, albeit maybe not as evidently as before, inside me. paano ba naman, wala namang rallies dito sa singapore! boring nga e.

still, i know it's there somewhere. and it comforts me to know that i am doing something to improve the plight of chronically ill children and disadvantaged kidney and cancer patients here.

B

 
At 2:39 PM, Blogger mayang said...

aaw ms b. hindi ikaw ang naisip ko kundi yung dalawa pa sa malayo pa roon hehe.

update! update!

 
At 2:59 PM, Anonymous Anonymous said...

haha. hmm...naiintriga yata ako? sino? clue!

hmmm...ala pa ko maisip maisulat e. mamaya na lang siguro pag-uwi ko sa bahay.

bigay mo sa akin yung isa mo pang blog address! if i remember it correctly, meron pa di ba?

ano blog address ni twinks?

B

 

Post a Comment

<< Home