Thursday, September 29, 2005

Wake me up when October ends

Grabe ang linggong ito. Noong Lunes, nag-training kami sa QC tapos pinabalik ako ni Ma'am sa office dahil gagawin ko pa yung powerpoint presentation nya para kinabukasan. Na-miss ko na nga yung meeting namin nung umaga kaso nagpaalam ako ke Ma'am at sabi ko requirement yung training sa school at yun lang ang time na available yung mga bata. Pagdating sa office, isinama na ako ni Ma'am sa condo nya at dun na ako pinagtrabaho. Umuwi ako ng 10 pm.

Tuesday. Attack sa research presentation tapos nagbilin si Ma'am ng mga gagawin ko. Pumasok na ako sa klase pagdating ng 4 pm.

Wednesday. Nag-tally ako ng questionnaires para sa research ng office at gumawa ng narrative report base sa powerpoint presentation ni Ma'am. Noong gabi, inasikaso ang raket. Nagbilin din ako sa pinsan ko kung ano pa ang mga ieempake dahil...

Lilipat na nga pala kami this Saturday! Sa gitna ng mga papers sa school at mga ginagawa sa office, eto at kailangan kong asikasuhin ang paglilipat. Nakakawindang!

Sa mga maghahanap sa akin, sa San Andres na ako titira. Grabe, palayo na ako ng palayo sa aking beloved QC! Palipat-lipat ako ng bahay minsan naisip ko ngang mag-pilgrimage sa lahat ng mga tinirhan ko.

Eto ang ruta: UP Bliss (hindi ko na nga matandaan kung ano'ng unit. Freshie pa ako nun e), Crame sa Cubao, KNL (that's Krus na Ligas in UP), Tatalon (sa me Sto. Domingo), San Diego (sa me Dapitan, Sampaloc), Road 20 (Project 8), Miguelin (sa me EspaƱa, Sampaloc) at San Andres.

Bakit kami lilipat? Naku, mahaba ring istorya.

Back to work muna ako. Extra Busy-ness na ito hanggang October.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home