Tuesday, October 18, 2005

Postmodern Woman

Noong una, nagtatalo pa ang isip ko kung dapat ko bang banggitin ang isa o mga partikular na nangyari sa aking buhay. Dapat ko bang ipaalam sa iba? May pag-aalinlangan din sa parte ko. Maiintindihan kaya nila? Ano ang sasabihin nila tungkol sa akin? Ang nangyari tuloy, nagho-hold back ako. Either toned down ang sinusulat ko o kaya naman ay wala na akong sinusulat at all. At may pressure pa sa kin na sumulat ng the best kasi yun ang inaasahan sa akin.

Hindi lang pala ako nag-iisa. Si T nabanggit sa blog nya na wala naman syang maibabahagi kasi "wala namang nangyayari" sa buhay nya. May isa akong kaibigan, ilang semestre bago nya natapos ang thesis nya. May isa pa akong kaklase hanggang ngayon incomplete kasi hindi pa nagpapasa ng take-home final exam. Sobrang pagpapahirap sa sarili, ano? Katwiran nila, kulang ang time para makapagbigay ng pulidong output. Ngunit sa isang banda, malaki rin ang sinasabi nito sa work ethic, kung paanong mahusay mong nagawa ang isang bagay ayon sa time frame na ibinigay. Pero lumalayo na ako.

Noong pumasok ako sa Women's Studies, nalaman ko na lahat pala ng sinasabi ko ay valid. Hindi matatawaran ang mga karanasan ko at ang mga nararamdaman ko. Sa isang banda, hindi ko naman sinasabi na lahat ito ay tama o hindi na pwedeng i-challenge. Ang punto ko lang ay mas natututo na lalo na ang mga babae na pahalagahan ang kanilang boses at boses ng kapwa babae dahil matagal nabusalan ang bibig nila at ang lipunan mismo ay tino-tolerate ang ganitong set-up. Mabuti naman at unti-unti at marami nang nakakadiskubre ng kanilang boses at nagpapahayag ng kanilang saloobin.

Bago ako mag-WD, natanong ko ang kaibigan kong anthropologist/development worker na itago na lang natin sa pangalang R kung me multiple personality disorder ba ako? Plastic ba ako? Kasi naman hindi pare-pareho ang pakikitungo ko sa iba't ibang klase ng tao. Kunwari, pag kaharap ko ang mga kaklase ko, matalino mode kunwari. Pag kasama ko naman ang gimik friends ko, maingay, slutty. Pag nasa communities, medyo may pagka-G&D. Pag hindi ko masyadong kilala syempre tahimik. Sosy? Nah. Jologs pa siguro.

Sabi ni R normal lang yon. Hindi raw ako tao kung hindi ako naga-adapt sa partikular na sitwasyon. Sa kanya ko lalong natutunan at napalalim ang konsepto ng identity at postmodernism.

So there's nothing wrong with me. Noong nakailang sem na ako sa WD, lalo akong natuto. Natutunan ko na fluid naman ang identity. Hindi tayo dapat magpakahon sa stereotypes o gender roles/expectations na itinakda ng lipunan. Hindi lang hetero ang mga tao sa mundo, may mga LGBT din. Hindi rin dapat ikabit sa kanila ang mga partikular na katangian dahil hindi lang ang mga ito ang nagde-defime sa kanila, sa ating lahat.

Kaugnay din ito sa mga nauna kong asersyon na valid ang mga sinasabi ko. Valid din ang pagkatao ko. Fluid pa nga. At iyan ako.

My, katatapos lang ng sem. Saka na muna ang postmodern debates na yan. Conserve muna ang utak at baka pag dumating na ang thesis next sem ay wala na akong mailabas.

(Thank you Ma'am Joi Barrios for visiting my blog, August 5 entry.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home