Wednesday, September 14, 2005

Paalam Haydee Yorac

Naku, siguradong babanggitin na naman ni Conrado de Quiros sa pitak nya kung bakit ba mga alagad ng sining at mabubuting public servants ang namamatay katulad nina Nick Joaquin at Raul Roco at hindi mga crooks sa gobyerno?

Si Miriam, hands down talagang idol ko yan kasi matalino at magaling magsalita. Pero mas dapat palang kahangaan si Yorac kasi hanggang sa huli ay hindi nya kinompromiso ang kanyang prinsipyo. Hindi sya lumuhod sa mga kung sino man ang kasalukuyang nanunungkulan katulad ni Miriam na naging staunch defender ni Erap at ngayon naman ay ni Gloria.

At single pala sya, ngayon ko lang nalaman. Sabi ni Yorac sa panayam nya sa Inquirer, "I do not agree with the assumption that being married is the summum bonum that every woman should aspire for."

May isa pang kwento tungkol sa kanya na na-amuse ako. Habang nakakulong sya nung martial law, itinuloy nya ang hilig sa pagbabasa. (At pareho pa naming paborito si Gabriel Garcia Marquez!) Sabi nung kapwa niya preso, "Kaya kayo nakulong, basa kayo ng basa."

Mabuhay po kayo, Ma'am! Kayo ay tunay na inspirasyon ng kababaihan at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home