Ako, ang PBB at ang Lipunan
Isa ako sa mga PBB addict. PBB as in Pinoy Big Brother. Pag hindi nyo pa naman nalaman yon e sobrang bombarded na tayo ng publicity ng ABS.
Sa inisyal na analysis, ang PBB housemates ay kumakatawan sa bawat isa sa atin. Microcosm of Philippine society ika nga. There is always a Cass, Uma, JB, Say, Chix, Rico, Jason, Jen, Nene, Bob, Raquel and Franzen in all of us, in our community. Sila ang sumasalamin sa bawat isa sa atin. Iba't iba ang ugali, iba't iba ang dynamico ng social interaction.
At hitik na hitik sa class at gender issues! Eto na naman ako sa class at gender issues na yan. E syempre ito ang pinag-aaralan ko e. Sayang nga lamang at dapat from day 1 ay nagawan ko na ng ganitong analysis at deconstruction.
Mga sample na naaalala ko:
Issue of class
Example #1. Halata namang may dibisyon sa sa PBB house. Kumbaga sa UP, coño versus everyone else hehe. Naalala ko rin nung high school at elementary, ganyang ganyan e. May outcast, merong kinakawawa, merong desperadong magpaka-in, merong walang pakialam. Sa lahat naman ng setting merong ganito, iba-iba lang ang manipestasyon pero pare-pareho ang pattern.
Lintik na JB yan, crush na crush ko pa naman nung una, ngayon turn off na ako. His classic line habang nagsasayaw sila ni Say, "Pag may mas mataas sa akin, ako yung nakiki-blend in." So ini-imply nya na mataas sya so Franzen et al should make an effort to blend in.
Example #2. Kahanga hanga ang line of thinking ni Nene noong jina-justify niya kung bakit nya ni-nominate sina Cass at Say. Say had it all daw. Maganda ang pamilya nya, komportable ang buhay nya. Si Cass naman daw, naging model na ng FHM, marami pang pintuan at oportunidad na magbubukas sa kanya.
Maaaring sabihin ng iba, e kaya nga sila sumali sa PBB dahil may pantay na tsansa sila na manalo. Unfair naman ata na ang ipanalo ay yung naghihikahos at higit na nangangailangan ng premyo. Bakit pa sila sumali, di ba?
Totoo naman na lahat sila ay binigyan ng pagkakataon na manalo. Sa 25,000 na sumubok, labindalawa lamang ang pinalad na mapili. At sa labindalawang iyon, binigyan sila ng equal opportunity na manalo. Ito ang principle ng equality. Pero ibang kaso pag principle of equity. Ito yung pagpuno sa kakulangan, pag-allocate ng resources sa mas nangangailangan upang kahit papaano ay makapantay nito ang iba at magtungo ito sa unang principle, ang principle of equality. Priciple of equity is redistributive justice. Gets na?
Kaya sa pagboto ng mga viewers, sana ay hindi lamang kapintasan ng housemate ang isaalang alang kaya go Nene ako! Siya ang sumasalamin sa akin.
Issue of gender
Example #1. Hate na hate ko talaga yung sitwasyon na ginawang king ng mga girls si Uma tapos lahat ng iuutos nya ay gagawin ng mga girls. Eto ang siste. Naka-korona at robe si Uma. Ang mga girls ay naka-belly dance costume. E kahit sino naman sa katayuan ni Uma, syempre pasasayawin nya ang mga girls. Ano ba ang sini-symbolize ng belly dance costume? Kaya hindi ko rin masisisi si Uma na na-offend nya ang mga girls lalo na si Say. Iyon ang hinihingi ng sitwasyon, sitwasyon na si Big Brother ang gumawa. Biktima rin lang si Uma ng dikta ng lipunan na si Big Brother ang kumakatawan.
Although itong si Uma ay may magka-sexist din naman talaga. Naalala ko yung part na sinabi niya kay Cas na, "Hit and run lang ako sa mga babaeng cheap, hindi sa'yo" sabay ismid. May dichotomy agad doon between the good girl and the bad girl. The bad girl is slutty so she deserves to be treated harshly?
Tapos ang dami pang sumisisi kay Say. Nag-iinarte raw. Part lang naman daw yun ng challenge, why the big fuss? Sa simula pa lang sinabi na nyang hindi nya kayang sumayaw ng ganon e pinilit pa rin sya ni Uma. Aminado si Uma sa part na ito na pinilit nga nya si Say kaya sya nag-sorry- kay Say lang. Kasi naman daw yung ibang girls enjoy na enjoy pa at saka lang nakisimpatiya kay Say nung pahuli na. Again, given the situation, binigay yon as challenge e so sa una hindi agad mare-realize ng girls na they are being treated as sex objects. Again, biktima lang sila. Dapat si Big Brother ang sisihin dahil inilagay sila sa ganong sitwasyon.
Example #2. Ang pagtatalo kung virgin pa si Teacher Raquel. Sabi ni JB, yun ba ang virgin? Nagpapamasahe ka sa lalaki tapos tatanggalin ang clasp ng bra e alam naman nyang me camera na nakaaligid? Hindi sila naniniwala na virgin pa rin si Ate Raquel e nakapito nang boyfriend. Sabi ni Chix, "Ayaw mo ba o wala lang pumatol sa'yo?"
Parang sinasabi na virgin ka pa kasi walang gustong pumatol sa'yo. Sa kabilang banda, pinagdududahan na virgin ka kasi questionable ang mga aksyon mo, sa kaso ni Ate Raquel na nagpamasahe tapos inalis yung hook ng bra.
Double standard, di ba? Wala ka nang masulingan. Yan ang mga halibawang binibigay ng Big Brother na syang sumasalamin lang sa ating buhay. Hindi ako nagpapaka-moral dito na sasabihin ko na alisin na ang Big Brother dahil wala itong itinuturo kundi sex, backstabbing at discrimination. Mas pipiliin ko pa ang ganito, na i-deconstruct ang mga sexist at discriminating messages na sa tingin natin ay normal/natural na sa lipunan pero hindi naman. Dahil nga lipunan ang gumawa nito, pwedeng pwede pa ring baguhin at ilagay sa tamang ayos.
Aabangan ko pa rin araw araw ang PBB. Ewan ko lang nga kung araw araw akong makakapanood ngayong September kasi patapos na ang sem at marami akong tatapusing requirements sa school, dagdag pa ang regular na trabaho ko sa Center.
Ang sigurado ay isisingit ko rito sa blog ang aking susunod na kuru-kuro tungkol sa PBB.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home