Friday, October 14, 2005

steady lang

syempre dapat maka-quota ako this week. at least one post per week dapat davah?

last day of submitting term papers! putsa, yung isang term paper kinarir ko ba naman! aba'y parang thesis na a!

tapos hayan, nangangayayat na lalo ako. naku, babawi talaga ako pag-uwi ko sa amin!

steady lang, wag kang magpakamatay.

pag sulat ng sulat, nae-exhaust ang laman ng utak ko tapos para namang unti-unting kinakain ang kalamnan ko. tapos hindi ako nakakaramdam ng gutom. high na high ako sa ginagawa ko tapos hindi ko alam e nagugupo na pala ang aking katawang lupa. ano ba yun?

parang dun sa book na edible woman. hindi na talaga sya makakain kasi she is so consumed with passion. sa case nya, romantic relationship. sa case ko, both romantic relationship and writing. sa ngayon, obvious ba? e di writing.

kaya naman pala andaming tubercular at sakitin na writers at thinkers (ehem). si carlos bulosan, si william chua.

at kaya naman pala they also have an appetite (ehem) for SEX. tingnan nyo si marx, kinarir pati yung nanny ba yun ng asawa nya? tingnan mo si lenin namatay raw dahil sa std (naku, wag naman po). si joma me mistress dati.

kaya nga naisip ko politics and sex do mix. yun na nga lang kaya ang gawin kong tagline hehe.

sem break na! yey!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home