Monday, September 05, 2005

Trahedya sa New Orleans

Kawawa ang Estados Unidos, lalo na sa New Orleans na syang pinakagrabeng napinsala ng Hurricane Katrina. Aminado si Pangulong Bush na taon ang bibilangin para makabangon uli sila.

Maraming sumisisi sa pamahalaan dahil sa mabagal na pag-aksyon nito. Ang dami nang namatay, nagutom at nasadlak sa kaawa-awang kondisyon. At ang masakit na katotohanan ay mas maraming babae, mahirap at Africano Americano ang apektado sa krisis na ito.

Tunay naman na pag may conflict, katulad ng armed conflict at disaster, nawawala ang social organization at survival to the fittest ang labanan. Sa New Orleans, laganap ang nakawan at umabot sa sitwaston na may shoot to kill order na ang mga pulis upang maapuhap ang lumalaganap na kaguluhan.

Matingkad na matingkad ang mga isyu ng race, class at gender. Pinakaapektado ang mga mahihirap na African American na bumubuo sa 67 bahagdan ng populasyon ng New Orleans. Marami ring kababaihan ang hinalay.

Tigas ang pagtanggi ni Secretary of State Condoleeza Rice, ang pinakamakapangyarihang babeng Aprikano Amerikano sa bansa, na isyu ito ng discrimination, lalong higit ang rasismo. Sabi niya, ang Amerikano ay tumutulong sa kapwa Amerikano. Totoo, pare-pareho silang Amerikano pero malayo pa rin ang pinagkaiba sa isyu ng mga nabanggit ko na, ang isyu ng race, class at gender na ipinagkibit balikat lang ni Rice.

Sinasabing ang trahedyang ito ang pinakamalaking dagok sa EU since 9/11. Sana naman ay intindihin muna nina Bush et al ang kanilang bakuran bago pakialaman ang Iraq, Gaza at ang mga itinuturing nitong kalaban.

1 Comments:

At 10:02 AM, Blogger mayang said...

idadagdag ko na rin ang kalagayan ng mga migrante lalo na iyong mga nanggaling sa kalapit na bansang mexico. patung patong ang hirap nila- diskriminasyon, walang kasiguruhan sa trabaho, walang permanenteng tirahan at kita.

sabi sa new york times, yung ilan daw na mga mexicanong ni-recruit para magtrabaho sa mga hotel sa new orleans ay na-displace ni katrina at ni walang ipon at abonado pa sa plane ticket papuntang new orleans. grabe.

 

Post a Comment

<< Home