Friday, August 19, 2005

Romanticising Rape

Ang labo ng setup nina Nea at Ivan. Ano yun, pagkatapos ma-rape ni Ivan si Nea ay magkaka-inlaban na sila, magkakapatawaran and they will live happily ever after? The end na ang soap opera. Sana nga ganun kasimple ano?

Masyadong naro-romanticise ang konsepto ng rape. Me kasabihang kung saan ka nadapa, doon ka bumangon. Ang daming kaso na ganito. Si propesor nang-rape ng estudyante, syinota, tapos hiniwalayan din pagkaraan. Si babae nakipag-inuman sa mga kaibigan nyang lalake, nalasing, na-rape nung isa. Hindi na makapanlaban dahil hilung hilo sya. Nag-sorry si lalaki. Talaga lang daw matagal na nyang gusto si babae. Na-flatter si babae. Niligawan eventually ni lalaki. Naging sila.

Feeling siguro ng mga babae, lalo na pag kilala nila at pinagkatiwalaan nila yung attacker nila, kaya sila nagawang halayin ay may gusto talaga sa kanila kaya diretso na sa pakikipagrelasyon para i-justify yung pangyayari.

Would you believe that girls/women actually fantasize of being raped? Yung tipong you and me against the world ang drama. Ila-lock ang babae sa isang dungeon o kastilyo o dadalhin sa isang remote island at doon ay "rereypin" sya. After some time, mahuhulog ang loob ni lalaki, main-in love na rin si babae, at sila ay magsasama ng maluwat.

But if things do not turn out the way women want them to be, that is, a chance to have a lasting relationship, saka na lang sila matatauhan at mare-realize na na-violate sila. Sisisihin na nila ang sarili nila. Actually, me katangahan din naman talaga sabi ni Ma'am. Masyadong nagtiwala, sumama sa puro lalake, naglasing. Pero ang issue ay rape. It's a case of men using their power to violate women. At sabi nga uli ni Ma'am, even sluts and prostitutes can be raped.

Naku, andaming pang issue. Bakit daw hindi nanlaban ang babae o kung nanlaban man ay bakit hindi pa itinodo? At ang pamatay na linya sa Ipaglaban Mo The Movie, "Nasarapan ka ba?" Ito ang pinakabago kong natutunan. Sabi nila hindi ka raw maa-arouse pag rape kasi pinilit ka. Pag nasarapan ka, ibig sabihin ginusto mo na. E sabi ni Ma'am, sa iyon ang normal na reaksyon ng katawan ng babae e.

Marami pang mga bagay na dapat matutunan at pag-isipan tungkol sa rape. Ang punto ko lang muna ngayon ay wag nang i-romanticise pa ito. Hindi ko rin sinisisi ang mga rape survivors. Mas lalong hindi ko hate ang mga lalake. Biktima sila, mapa-babae o lalake, ng maling paniniwala at sexist na lipunan.

Aantabayanan ko na lang kung ano ang kahihinatnan nina Nea at Ivan. Pihadong isang malaking melodrama ang mangyayari. And as usual, pag melodrama, bitin ang ending. In-assume lang na happy ever after nga. What's next? Ano ang eksena sa totoong buhay?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home