Wednesday, November 30, 2005

minsan may part 2

i was there! i was there! of all people, si daryl pa ang naglibre sa akin haha! i owe you one this time pre. salamat at inilusot mo kami ni eds. yep, eds was with me! she knew the concert meant so much to me so sinamahan nya talaga ako. sabi pa nga nya kahit hindi sya makakuha ng tiket basta kahit ako lang ang makapasok. aaw! buti na lang talaga naka-ym ko si daryl. officemate pala nya si ann angala, the famous ann angala. ayun, pasok kami, nakaupo kami sa reserved seats ng sony-bmg.

ansaya! wala ang mga kiddos na naka-black. peace! expectedly, pumatok ang bets ko, imago at OnL. galeeng! okay, i'll leave the band bashing to other bloggers and pexers. basta ako solved na solved na. bitin pero patikim lang naman talaga yung launching. at marami pa ring nage-expect na magkakasama at tutugtog ang eheads! kahit in-announce na na tapos na ang concert, wala pa ring tumatayo. malay mo nga naman!

aaw! feels like ten years ago.

Tuesday, November 29, 2005

minsan

mamaya na ang ultraelectromagnetic jam concert at wala pa rin akong tiket! ubos na ba talaga? gusto ko talagang pumunta. sana magbenta pa mamaya sa venue. sana walang masyadong mga punkista na naka-black. sana yung mga dadalo ay yung mga kasama lang sa eheads generation at hindi yung mga fans ng sponge cola, 6 cycle mind, cueshe, mymp, south border, kitchie at paolo santos. wehehe, nagpapaka-selfish na naman ako.

sana nandun si ely. sana andun ang buong eheads. sobrang imposible pero okay na rin na wala sila. mas gugustuhin kong wag na lang silang magkasama-sama dahil hindi na maibabalik ang dati. hindi ko na rin makakasama ang mga kaibigan ko, ang mga kasabayan kong tumili at bumuntut-buntot sa eheads. wala na. si brends nasa singapore. si eds, na-outgrow na nya ang pagpunta-punta sa mga concert e saka rivermaya fan naman talaga sya. yung ibang housemates ko, nagsipag-asawa na at ngayon ay nasa abroad at probinsya. si ex, nagyayaya. ayoko nga! sobra na yon. imaginin mo, ako, si ex tapos mga kanta ng eheads sa isang venue. mas mabuti pang magbigti na lang ako.

pero kahit wala si ex o ang eheads mamaya, unti-unti na rin naman akong namamatay. dahil ikakasal na si ex. at iniwan na ako ng eheads ng tuluyan.

Wednesday, November 23, 2005

Back Pay ng COLA, Ibigay Na!

Kulminasyon na ng mob na pinangungunahan ng All-UP Worker's Union bukas. Simula pa nung linggo, nag-camp out na ang mga miyembro kabilang na ang mga taga-LB upang igiit ang back pay ng cost of living allowance (COLA).

Noong Lunes, nagbanta ang unyon na kung hindi sila bababain ng administrasyon ay susugod na sila sa loob ng kinse minutos Wala pang sampung minuto, bumaba na si Atty. Leonen. Sabi ng mga beteranong nakasama ko, wala namang bago sa sinabi ni Atty. Patuloy pa rin daw silang binobola. Hindi talaga maibibigay ang hinihingi namin.

Bukas, huling pulong ng Board of Regents (BOR) para sa taong ito. Kakalampagin na naman sila ng unyon. Hinihikayat ang mga kawani na mag-mass leave bukas. Talagang absent ako pag Huwebes kasi fieldwork ko yun. Pero sasama ako sa unang bugso. Hindi ito kailangang palampasin.

At sana naman hindi na uli ako mag-isa na pupunta mula dito sa IVORY TOWER! Mahiya naman sila, yung mga taga-LB nga nung Linggo pa dun. Yung isa nga kahit walang pamasahe gustong sumama. Kalampagin ang IVORY TOWER!

Back pay ng COLA, ibigay na!

Thursday, November 17, 2005

Feminist Film Festival

Got this from Lynette of UCWS:


The Feminist Centennial Network (FCN) headed by former Senator Leticia R. Shahani will spearhead the Feminist Film Festival from November 23 to 29, 2005 with a series of events that includes an awards night, a set of symposia in different colleges and universities, and a traveling photo exhibit.

In collaboration with one of FCN’s member agencies, the Communication Foundation of Asia (CFA) and the UPCWS will be hosting a symposium on reproductive rights and HIV/AIDS through the showing of "Phir Milenge" (Till We Meet Again) – a film from India directed by Ms. Revathy that echoes the message of Jonathan Demme’s "Philadelphia".

We would like to invite you and members of your organization to attend the FREE film showing and symposium on November 25, 2005 (Friday) from 1– 4 PM at the College of Mass Communication (CMC) Auditorium. Ms. Revathy will be on hand to talk about her work and its relevance to global efforts to promote women’s human rights.

For your questions and/or confirmation of your attendance, please send an emailed reply to lynquintillan@yahoo.com or call 9206880 or 9206950.

Wednesday, November 16, 2005

starbuck's manang-gerie

nakasabay ko si IDEAL sa bus at barko pauwi. akala ko kung sino'ng girl ang kasama n'ya, utol n'ya pala. hmmm..

nakita ko si ex sa probinsya. nakaputi s'ya. at nabanggit ko sa kanya dati na gusto ko sa lalaki (saka sa babae o kahit sino) na nagsusuot ng white shirt. malamang naaalala n'ya ako pag nagpuputi s'ya (haha, assumptionista).

nakasama ko rin ang isa sa mga long-time crush ko. cute pa rin s'ya kaya lang ngayon ko lang na-discover ang rough pala ng hands n'ya. saka sabi ni renan ang pangit daw ng ngipin nun e. hindi ko napapansin.

tinext ko out of the blue si classmate. 'yan kasi, paramdam ng paramdam, at all saints' day pa!

shit, ang babaw na ng kaligayan ko. text lang e tambling na agad ako sa tuwa na parang kinukurot ang t***gil.

********

noong nasa starbuck's kami, nabanggit ni grad classmate slash friend, dapat daw instead of mayang ay manang na lang ang name ng blog ko. kasi, sabi ko sa kanya i'm turning into a bore.

diretso na kami sa usapang daks (daks saga). napunta ang usapan namin sa effectiveness daw ng long conversations bilang foreplay. wow, andaming nagpo-foreplay sa starbuck's kung ganon.

balik sa usapang starbuck's. i don't drink tea or coffee. nahihilo ako, nagsusuka pa minsan. nakwento ko nga ke mariel dati na C2 lang ang nilaklak ko e nasuka pa ako. sabi n'ya baka hindi ako hiyang sa C2. baka sa T2 ako hiyang. go figure.

so ano'ng gagawin ko sa starbuck's? maging wallflower. syet, feeling ko manang na manang ako nung time na 'yun. matronic? hindi pa naman.

tama si daks, kailangang mai-release ko ang aking pent-up sexual energies. potah ka!