Tuesday, August 02, 2005

just a case of pms

nabuburyong ako! grabe, midterms na pala namin next week e hindi pa kumpleto ang readings ko. napansin ko rin ang tamad tamad ko this sem. hindi ako masyadong nagbabasa. hindi ako nago-online research sa office saka hindi ako nagla-lib. gustung-gusto ko na laging matapos ang klase. sabi ni li, bakit ka ba laging nagmamadali umuwi? interesting naman ang mga subjects ko ngayon. in fact, swak na swak ang mga ito sa trabaho ko dito sa center. siguro ako lang talaga. nagiging complacent ako. last sem ko na ito ng lecture subjects. naka-fifteen units na ako at okay naman ang mga grades ko nung nakaraan. it's also a case of being almost there (malapit ko nang makumpleto ang requirements ko) pero malayu-layo pa. itong nararanasan ko ang period of routine/monotony (translation: boring).

sa kabilang banda, na-revitalize naman ako sa office. ayoko na palang umalis, at least not in the next two to three years. maraming pwedeng gawin, maraming opportunities, nasasaakin lang talaga yun.

-------

grabe naman itong pinsan ko e! pinang-cover ba naman ng notebook ang magazines ko! binigyan ko na nga ng magazine na so-so para yun ang pagkuhanan e bakit ba naman yung women who rock mag ko pa ang napagdiskitahan? sabi ko, "lolokohin mo pa ako e alam ko ang mga gamit ko?! eto na lang sana'ng mga cosmo ang ginamit mo!" buti dalawang pilas lang ang nakuha. nakakaasar! to think na pagod ako at galing ako sa klase. traffic pa kahapon kasi bumaha pala sa espaƱa. buti hindi ko na naabutan. hindi ko nga alam na bumaha e. hindi naman kasi umulan sa diliman, ang lalakas lang ng mga kulog.

------

it's official. ngayon ko lang na-acknowledge na oc ako. i want everything in order and in their proper places. pag hindi ganun, nagpa-panic ako at nadi-disorient. pati sa mga restaurant, gusto ko same table, same seat, same food. teka, oc pa rin ba yun?

------

guess what? naka-civilian na naman ako. ang hirap hirap kasing gumalaw pag naka-uniform. parang i don't look the part. at ito pang si jan, tinatawag akong mila haha (translation: plain). no offense sa mga teachers. magti-teacher din ako e. it's the uniform nga kasi. babaw noh? dati nga pag me interview ako and it's my turn to ask questions, yun ang isa sa mga tinatanong ko. ano ang dress code?

as a first-timer, feeling ko nare-restrict ang mobility ko. at oo na nga, i don't look the part.

JUST A CASE OF PMS

0 Comments:

Post a Comment

<< Home