combo on the run
fete dela musique na bukas! pero sa totoo lang, hindi pa ako nakakapanood nun e. mas suki ako ng mga concerts sa UP (UP Fair, pa-concert ng mga orgs at frats/soros), sa 70s, sa city jam, sa xaymaca (impluwensya ni mayel!), sa mayrics (nito lang monday! e ang lapit lapit ko na dun ha?!), nu alternativity (meron pa ba nito? pero hindi ko talaga dig ang pulp summer slam).
hanep, college girl na college girl ba ang dating? at pansinin nyo rin, qc girl na qc girl! grabe, high na high pa rin talaga ako pag nakakapanood ng bandang tumutugtog. hindi naman ako groupie. wala, enjoy lang sa pakikinig. napaparami tuloy ang inom ko hehe.
sa sobrang pagka-adik ko sa mga banda, ginawa kong term paper nung college. hindi lang isa kundi dalawa pa! yung una ay sa popular culture class ni prof. roland tolentino. ang subject ko ay eraserheads. pinaliwanag ko ang konsepto ng stardom at ang imaheng nabubuo ng banda sa audience nito. ang pangalawa kong paper (sa klase naman ni prof. robin rivera) ay tungkol sa parokya ni edgar. karugtong pa rin ng konsepto ng stardom, pinaliwanag ko naman yung political economy kung paano nabubuo ang isang star at paano nya nasu-sustain ito. o di ba? me bahid pa rin ng marxistang pananaw.
isa sa malaking dahilan kaya excited na excited akong makatuntong sa UP ay dahil sa mga banda- sa eheads lalo na! pero muntik na akong hindi makapasa sa UP dahil din sa eheads e! UPCAT kasi nun. e first time noong magkaroon ng testing center sa probinsya so hindi na namin kailangang lumuwas dito. nagkataon naman, concert din ng eheads kinagabihan! habang nage-exam kami, hindi ako mapakali. nadi-distract ako kasi naririnig ko yung wang wang ng motorcade. naku, buti na nga lang nakapasa ako!
eto pa ang isa kong paboritong ikwento: inalam ko kung saan nakatira ang eheads. nakalimutan ko na kung paano ko nalaman. pumunta kami ni twinkle sa 10 maalalahanin st. sabi ko, ano? mag-apply tayong PA? pagdating namin dun, nag-aatubili pa kami. nahiya bigla! e biglang lumabas si gary tapos napansin nya kami. pinatuloy nya kami. andun si marcus, nakahubad ang pantaas at mukhang kagigising lang. nagkalat ang mga gamit- gitara, gadget, sapatos. bigla kaming napipi. nagtanong na rin, "pwede ba kami mag-appply as PA?" hindi raw nya alam. hindi raw sya ang nagdedesisyon nun. me binigay syang number. patlang. maraming patlang. nakatitig lang kami sa kanya at hindi na mapalagay. nagpaalam na rin kami. paglabas ng gate, nagkatawanan. hahaha! ang tapang namin!
ewan ko, hindi ko na maalala kung natawagan ko yung binigay ni marcus na number sa akin. sayang! basta andami pang adventure. hahaha! speaking of twinkle, ini-snatch nya yung bote ng energy drink na ininuman ni ely pagkatapos nung isang concert. hooooooyyyyyy!
mabuti naman at buhay na buhay pa rin ang band scene ngayon. pero the best pa rin talaga ang mga banda galing UP. nasa environment kasi yan e. mas me freedom kaming mag-express ng aming sarili. syempre mas nakakabilib kung nakaka-raise ng social consciousness.
see you all at the fete? hindi pa ko sure kung pupunta ako...
7 Comments:
hooooyyy, bakit di kasama dito ang Ultimate Parokya Fangirl Experience™(jan) mo? naalala mo pa ba, first day ng math class nun and you were bug-eyed kase kaklase natin si vinci! hahaha! sukdulang lumabas ng classroom at lapitan si vinci para mag-pa-autograph!
haha!first day funk!hoy, nagpa-autograph pa ako ng buruguduystunstugudunstuy!katabi ko pa siya nung finals kaso natsugi na sya haha!
This comment has been removed by a blog administrator.
shucks! andami nga palang kwento! salamat, ang sarap i-reminisce! brends, salamat sa pagdalaw!
This comment has been removed by a blog administrator.
hahaha! re: fruitcake album signing - sa araneta center ba ito naganap? kase tanda ko kasama din ako dito, yun nga lang wala akong album, yung e-heads magazine lang dala ko. tapos inihabilin ko na lang na kayo na ang magpapirma, kase nainip na ako at nag-aalala na baka hinahanap na ako ng aking uber-strict dad.
** in other news, HI BRENDITA!!! kamusta ang buhay sa land of la? (grabe gawin bang kamustahan page ang comments box ni lola mayang! hahaha)
jan
tumpak ka dyan, jan! (wow, that's almost redundant :) yun nga yung sa araneta. yung sa may giant xmas tree.
ay naku, puro trabaho dito sa lala land. walang time for lamyerda. pero sana mabisita nyo ko dito. miss ko na kayo, mga bruha kayo. inggit ako sa boracay nyo!
Post a Comment
<< Home