Friday, July 08, 2005

RESIGN ALL! except Gloria

Ang tigas talaga ni Gloria. Bakit kamo? Isa-isahin natin.

1. Because of my father's influence, I had always thought of myself as on the side of the good. Kaya pala naman sobrang tigas nya e. Akala nya sya lagi ang nasa tama. At ano itong palagiang reference nya sa kanyang ama? Lagi na lang nya ikinakabit ang pangalan ng kanyang ama sa mga talumpati nya. She wants to adopt that strong personality associated with males, in her case, her father, the former president. Think Margaret Thatcher. Think Condoleeza Rice. These are the women who rose from the ranks by emulating that macho attitude at the expense of others. Think Condoleeza Rice and her stance on Iraq.

2. What I disclosed was that I talked to an election official. But that this had taken place after the certificates of canvas had already been used to proclaim the winning senators... Oo, inamin nya na nakipag-usap sya sa isang election official pero ano ang laman ng pag-uusap nila? We have to read between the lines to realize that there is more to talking to an election official inquiring about one's votes. Basahin nyo ang mga kolum ni Conrado de Quiros at marami na syang nasabi tungkol dito.

3. Our political system has degenerated to such an extent that it is very difficult to live within the system with hands totally untainted...The political system that I am part of has degenerated to the point that it needs fundamental change...Ginaya lang nya ang linya ng mga aktibista na kailangan nang palitan ang sistema. Pero questionable ang kanyang tatlong proposals. Bakit kamo? Pero bago pala yan, me nilinaw sya sa kanyang status as president.

4. First of all, I am not resigning my office. Kahit sino naman daw ang pumalit sa kanya ay laging me threat ng Edsa 3, 4, 5 kaya ang kailangang reform ang political system. And with her at the helm? At dapat na rin bang kalimutan ang mga eskandalong kinasasangkutan nya at ng kanyang pamilya?

5. First, I'm asking my entire cabinet to tender their resignation...I'll ask our sectors to give me the names of candidates that we can invite to replace those who will not return to the cabinet. Sacrificial lamb ba ang mga cabinet members? Malinaw na panunuyo lang ito sa mga grupong nagbabalak magsagawa ng search process sa pagpili ng mga kwalipikado sa pwesto ng gobyerno. E san na pupulutin ang Cabinet members? Tuluyan na ba silang mawawala sa eksena? O pansamantala lang?

6. Second, the cabinet will be given a free hand on governance, while I focus on the fundamental changes that we need to put in place. Ano kaya yung mga fundamental changes na yun? Saan nakaangkla? E kung pagbabasehan ang track record nya lalo na sa economic reforms, ano pang fundamental changes ang inaasahan natin mula sa kanya? Iiwan na ba nya ang paglalako ng neo-liberal globalization na inaadhika ni Bush et al?

7. Third, I will begin to reach out to the political and civil sectors that have an interest in the various advocacies that are relevant to our constitution. Federalism, for example, is an advocacy that I had espoused long ago. Hmm, pilit na namang inilalako sa atin ang cha cha. For more info, read The Economics of Cha Cha written by IBON. Makikita natin na hindi lang governance ang gusto nyang baguhin kundi buksan ang bansa sa economic interests ng malalaking kompanya. Konekta-konektado na yan e.

Footnotes:

1. Ang bobo ng mga speech writers ni Gloria. Tagalugin man lang ang talumpati nya! Sa palagay ba nya ay mama-mask nito ang totoo nyang intensyon?

2. Matigas talaga ang ulo ni Gloria, parang si Bush. Sabi ni Bush sa G8 meeting, ang rason kung bakit hindi nya pinirmahan ang Kyoto Protocol, na naglalayong bawasan ang greenhouse emissions, ay dahil raw makakasira sa ekonomiya. Marami raw mawawalan ng trabaho. Mawawalan ng trabaho dahil magsasara na ang MNCs at TNCs na siyang nagbubuga ng malawakang emissions na syang dahilan ng global warming? Sa halip raw na mag-focus sa pagtatalaga ng quota sa emissions ay mag-develop na lang ng technologies para mabawasan ito. And who holds the technology in this day and age? Pabor pa rin sa kanila. So kailangang i-sacrifice ang environment para hindi masira ang ekonomiya?

3. Hindi pa rin tayo nakakawala sa vestiges ng colonialism. Tuta pa rin tayo.

1 Comments:

At 9:40 AM, Blogger Unknown said...

Felicidades por tener un excelente sitio web!!!!

Muchos Saludos,

Profesora Grahasta
www.profesoragrahasta.com

 

Post a Comment

<< Home