Friday, July 15, 2005

thank god it's friday wash day!

bago ako grumadweyt, buo na sa isip ko na magtrabaho sa media, NGO o academe. natutuwa naman ako na hanggang ngayon ay ganon pa rin ang moda ko. ngayon ko rin napagtanto na kung hindi ka swak sa isang gawain, wag mo na ipagpilitan, di ba?

hindi talaga ako pang-corporate e. pero hindi ko sinasabing either or ito. wala, resigned na ako sa ideyang yan dun sa huling interview ko sa makati. it will be my last, tumimo sa isip ko. na-lost in translation ako.

kanya-kanyang kultura yan e. e nagkataong hindi iyon ang kultura ko. wala akong sinasabing masama ang corporate world. kanya-kanya naman yan e. respetuhan na lang. simple lang naman ang sagot e, hindi iyon SWAK sa akin- sa lifestyle ko, sa pananaw ko sa buhay, sa pagtingin ko sa mundo, sa aking identidad, sa aking buong pagkatao.

sa kabilang banda, hindi rin naman iyon hudyat ng kahinaan na kesyo ayaw ko sa "corporate" e kasi ayaw rin naman ng "corporate" sa akin. may sarili naman akong landas na tinatahak. hindi rin naman ako nakikipagkarera at nakikipag-unahan sa finish line. dahil kung iisipin mo, wala namang kwenta kung makaabot o makauna ka sa finish line. ang mas mahalaga ay yung paglalakbay. (aba, bigla kong naalala yung the motorcycle diaries.)

ang daming pwedeng gawin. ang laki ng oportunidad na kaya kong tahakin. imbes na na sa bihin na hinihintay na ako ng oportunidad, naniniwala ako na hindi iyon hinihintay o kusang dumarating kung hindi malaki ang papel ko bilang agent sa pagbalangkas ng aking planong buhay (aba, sarili kong termino yan).

ang mas mahalaga ay kung paano ako mas magiging instrumento upang maging mas kapaki-pakinabang para sa aking pamilya, para sa iba, para sa mas nakararami. at iyon, sa aking pananaw, ay makakamit ko lang kung ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko na sa gawaing mas gamay ko, sa bokasyong mas swak sa akin.

(siguro epekto lang ito ng pagsuot ko ng bagong uniform na itinakda ng unibersidad. aba e first time kong mag-uniform sa ilang taon ng aking pagtatrabaho! pormal-pormalan ang lola nyo! hindi na ako makapag-indian sit sa swiveling chair hehe. thank god it's friday wash day!)

2 Comments:

At 12:48 AM, Blogger Ederic said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 12:52 AM, Blogger Ederic said...

Opss sorry. Wrong post yung nauna. hehe. Nagkapalit.

Sasabihin ko lang na di ko pa rin nakikinita ang sarili ko na nagko-corporate--except for corporate media na kinaroroonan ko ngayon. Pero kung 'yung non-media companies, matagal pa siguro, kung sakali man.

 

Post a Comment

<< Home