TRANSCENDENCE
para siyang anino na sumusunod sa akin. hindi na niya ako tinatantanan. sinundan niya ako sa blog ko. pati sa text, pati sa klase ko sinusundan niya ako. doon ko naisip na hindi ko na siya pwedeng balewalain.
siya na siguro ang sagot para magkaroon ng likidong dumadaloy sa aking aking tuyot at marupok na lamang lupa. noong una, gusto kong isipin na siya ay nananahan sa akin. ngunit unti-unti itong naglalaho sa pagdaan ng panahon. masyado na akong nagpadala sa materyalismong pananaw, sa mga nag-uumpugang pwersa, sa kawalan ng katiwasayan. nawala na ang kaluluwa, ang karurukan, ang sentro ng buhay. doon ko napagtanto na hindi pala ibig sabihin na marami ka nang alam sa buhay ay maisasalba ka na nito. unti-unti akong naging matigas, nawalan ng puso, humihinga ngunit may tensyon sa daluyan, may mga pwersang humaharang upang ito ay makadaloy ng maayos.
akala ko ay hindi na siya kailangan sa landas na tinatahak ko ngunit hindi rin pala. siya ang bumubuo ng kaibuturan ng aking pagkatao. siya ang kumukonekta sa akin sa lupa, kalikasan, sa mga kapwa ko tao, sa mga elemento na hindi ko nakikita. hinding-hindi ko na siya malalabanan pa sapagkat unti-unti na akong nagugupo, naagnas, naglalaho ngunit nagpupumilit na umigpaw, kumawala at humawak sa mapagpalang kamay ng magpakailanpaman.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home