Wednesday, July 27, 2005

Mad About Mags

Kung ang iba ay nangongolekta ng fashion magazines, iba ang kinokolekta ko. May mga bago na akong kinahuhumalingan ngayon: Utne, Spin saka Women Who Rock. Tungkol sa Utne, nakuha ko lang ito sa dalawang orgmates na lagi kong binibisita ang blog. Yung dalawa namang music-related mags ay natiyempuhan ko sa book sale sa Greenhills. I'm sure marami pang magagandang mags. Kuntento na ako sa mga back issues. Ang mamahal kaya! For P15-P35, masayang masaya na ako. Kaya pag me nakita kayong mga copies, ibigay nyo na lang naman sa akin o!

Sampler: Ang isang natatandaan kong nabasa sa Utne ay yung US Presidential Election '04 special issue nila. Tinalakay doon yung profile ng voters at sino most likely ang iboboto nilang presidente. Kung ikaw ay single woman, sino'ng iboboto mo? Sino'ng mas papaboran ng mga migrants?

Maganda rin siguro kung may ganoong mga datos dito sa atin. Hindi ko alam ang extent ng information na makukuha sa COMELEC kasi never pa akong nakakaboto (Bad!). Maganda rin yung reports ng PCIJ kung saan sinabi nila na mas maraming women voters kesa men. Meron na kayang mga sectoral na pag-aaral sa voting patterns? Maganda siguradong tingnan yun.

Ang problema rin kasi sa eleksyon natin, hindi naman labanan ng plataporma kundi popularidad at financial machinery. Sa States, pag Democrat ka, pinaglalaban mo ang Medicare at iba pang social services. Pag Republican, conservative. Ewan ko rin lang. Alam ko hindi sapat yang simpleng depinisyon ko. Kailangan ko pang magbasa-basa.

Thursday, July 21, 2005

other lullabies

heto na naman ang mga panahon na mistulang hindi na ako natutulog. kahit natutulog ako e non-stop pa rin ang utak ko. hindi naman ako insomniac. 10:30 pm ako natutulog. magaan naman ang load ko sa school this sem. saka wala naman akong malaking problema. in fact, most of the time e pino-power off/sina-shut down ko ang utak ko. ayoko ng me bad vibes e. kaya siguro dumidiretso sa unconscious ko in the form of panaginip.

minsan hindi ko matandaan ang panaginip ko. minsan very vivid katulad kanina at kahapon na paggising ko feeling ko ay totoong totoo. minsan naman blangkong blangko kaya masarap ang tulog mo. hindi naman ako napupuyat pag nananaginip ako. feeling ko lang ay hindi na nakakapahinga ang utak ko. kawawa naman laging nagagamit pati sa pagtulog haha!

yeah, i should start meditating. pag-iisipan ko rin kung ano ang physical activity ko. street jazz is definitely out. hindi jibe ang sched sa class ko sa diliman e. ayoko rin naman mag-gym, boring. sa class namin ke ma'am guy me nagyaya na namang mag-arnis. patulan ko na nga yung invitation ni karen. kaya lang busy siya sa pagre-review. at saka mangingibang bansa na rin sya next year.

for now, i'll stick with bibliotherapy. or maybe i should write a novel or conceptualize my cartoon strip or produce a radio show or a rock concert. hehe, umaandar na naman ang utak ko.

Friday, July 15, 2005

thank god it's friday wash day!

bago ako grumadweyt, buo na sa isip ko na magtrabaho sa media, NGO o academe. natutuwa naman ako na hanggang ngayon ay ganon pa rin ang moda ko. ngayon ko rin napagtanto na kung hindi ka swak sa isang gawain, wag mo na ipagpilitan, di ba?

hindi talaga ako pang-corporate e. pero hindi ko sinasabing either or ito. wala, resigned na ako sa ideyang yan dun sa huling interview ko sa makati. it will be my last, tumimo sa isip ko. na-lost in translation ako.

kanya-kanyang kultura yan e. e nagkataong hindi iyon ang kultura ko. wala akong sinasabing masama ang corporate world. kanya-kanya naman yan e. respetuhan na lang. simple lang naman ang sagot e, hindi iyon SWAK sa akin- sa lifestyle ko, sa pananaw ko sa buhay, sa pagtingin ko sa mundo, sa aking identidad, sa aking buong pagkatao.

sa kabilang banda, hindi rin naman iyon hudyat ng kahinaan na kesyo ayaw ko sa "corporate" e kasi ayaw rin naman ng "corporate" sa akin. may sarili naman akong landas na tinatahak. hindi rin naman ako nakikipagkarera at nakikipag-unahan sa finish line. dahil kung iisipin mo, wala namang kwenta kung makaabot o makauna ka sa finish line. ang mas mahalaga ay yung paglalakbay. (aba, bigla kong naalala yung the motorcycle diaries.)

ang daming pwedeng gawin. ang laki ng oportunidad na kaya kong tahakin. imbes na na sa bihin na hinihintay na ako ng oportunidad, naniniwala ako na hindi iyon hinihintay o kusang dumarating kung hindi malaki ang papel ko bilang agent sa pagbalangkas ng aking planong buhay (aba, sarili kong termino yan).

ang mas mahalaga ay kung paano ako mas magiging instrumento upang maging mas kapaki-pakinabang para sa aking pamilya, para sa iba, para sa mas nakararami. at iyon, sa aking pananaw, ay makakamit ko lang kung ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko na sa gawaing mas gamay ko, sa bokasyong mas swak sa akin.

(siguro epekto lang ito ng pagsuot ko ng bagong uniform na itinakda ng unibersidad. aba e first time kong mag-uniform sa ilang taon ng aking pagtatrabaho! pormal-pormalan ang lola nyo! hindi na ako makapag-indian sit sa swiveling chair hehe. thank god it's friday wash day!)

Thursday, July 14, 2005

TRANSCENDENCE

para siyang anino na sumusunod sa akin. hindi na niya ako tinatantanan. sinundan niya ako sa blog ko. pati sa text, pati sa klase ko sinusundan niya ako. doon ko naisip na hindi ko na siya pwedeng balewalain.

siya na siguro ang sagot para magkaroon ng likidong dumadaloy sa aking aking tuyot at marupok na lamang lupa. noong una, gusto kong isipin na siya ay nananahan sa akin. ngunit unti-unti itong naglalaho sa pagdaan ng panahon. masyado na akong nagpadala sa materyalismong pananaw, sa mga nag-uumpugang pwersa, sa kawalan ng katiwasayan. nawala na ang kaluluwa, ang karurukan, ang sentro ng buhay. doon ko napagtanto na hindi pala ibig sabihin na marami ka nang alam sa buhay ay maisasalba ka na nito. unti-unti akong naging matigas, nawalan ng puso, humihinga ngunit may tensyon sa daluyan, may mga pwersang humaharang upang ito ay makadaloy ng maayos.

akala ko ay hindi na siya kailangan sa landas na tinatahak ko ngunit hindi rin pala. siya ang bumubuo ng kaibuturan ng aking pagkatao. siya ang kumukonekta sa akin sa lupa, kalikasan, sa mga kapwa ko tao, sa mga elemento na hindi ko nakikita. hinding-hindi ko na siya malalabanan pa sapagkat unti-unti na akong nagugupo, naagnas, naglalaho ngunit nagpupumilit na umigpaw, kumawala at humawak sa mapagpalang kamay ng magpakailanpaman.

Wednesday, July 13, 2005

usapang kaluban

may bago na naman akong natutunan ngayong umaga. nalaman ko na ang puristang termino ng puki ay kaluban. mindoreƱa that i am (meaning, matatas mag-Tagalog), nagtaka ako. di ba yun yung pansaklob sa itak? tama nga, yun nga yung sinabi ng anthro prof. ewan ko kung doon nakuha yung salitang puki or the other way around.

so, ang puki ang kaluban at ang titi ang itak. nire-represent ng itak yung pagkalalaki, matapang, palaban. ang kaluban ay lagayan lamang. parang sa sex. ang alam natin, ang lalaki ang gumagalaw sa babae. dinali, tinira, pinasok, sinuksok, whatever. pero ibahin natin ang pananaw. di ba puki ang sumasaklob (bumabalot/sumasakop, for lack of a better term) sa titi?

sexual act is a dual thing. especially if it is consensual, it can be a wonderful experience. there is nothing to be ashamed of. howeveer, it does not give anyone the freedom to sleep with as many men/women as s/he pleases. there is also a responsibility that comes with it.

Friday, July 08, 2005

RESIGN ALL! except Gloria

Ang tigas talaga ni Gloria. Bakit kamo? Isa-isahin natin.

1. Because of my father's influence, I had always thought of myself as on the side of the good. Kaya pala naman sobrang tigas nya e. Akala nya sya lagi ang nasa tama. At ano itong palagiang reference nya sa kanyang ama? Lagi na lang nya ikinakabit ang pangalan ng kanyang ama sa mga talumpati nya. She wants to adopt that strong personality associated with males, in her case, her father, the former president. Think Margaret Thatcher. Think Condoleeza Rice. These are the women who rose from the ranks by emulating that macho attitude at the expense of others. Think Condoleeza Rice and her stance on Iraq.

2. What I disclosed was that I talked to an election official. But that this had taken place after the certificates of canvas had already been used to proclaim the winning senators... Oo, inamin nya na nakipag-usap sya sa isang election official pero ano ang laman ng pag-uusap nila? We have to read between the lines to realize that there is more to talking to an election official inquiring about one's votes. Basahin nyo ang mga kolum ni Conrado de Quiros at marami na syang nasabi tungkol dito.

3. Our political system has degenerated to such an extent that it is very difficult to live within the system with hands totally untainted...The political system that I am part of has degenerated to the point that it needs fundamental change...Ginaya lang nya ang linya ng mga aktibista na kailangan nang palitan ang sistema. Pero questionable ang kanyang tatlong proposals. Bakit kamo? Pero bago pala yan, me nilinaw sya sa kanyang status as president.

4. First of all, I am not resigning my office. Kahit sino naman daw ang pumalit sa kanya ay laging me threat ng Edsa 3, 4, 5 kaya ang kailangang reform ang political system. And with her at the helm? At dapat na rin bang kalimutan ang mga eskandalong kinasasangkutan nya at ng kanyang pamilya?

5. First, I'm asking my entire cabinet to tender their resignation...I'll ask our sectors to give me the names of candidates that we can invite to replace those who will not return to the cabinet. Sacrificial lamb ba ang mga cabinet members? Malinaw na panunuyo lang ito sa mga grupong nagbabalak magsagawa ng search process sa pagpili ng mga kwalipikado sa pwesto ng gobyerno. E san na pupulutin ang Cabinet members? Tuluyan na ba silang mawawala sa eksena? O pansamantala lang?

6. Second, the cabinet will be given a free hand on governance, while I focus on the fundamental changes that we need to put in place. Ano kaya yung mga fundamental changes na yun? Saan nakaangkla? E kung pagbabasehan ang track record nya lalo na sa economic reforms, ano pang fundamental changes ang inaasahan natin mula sa kanya? Iiwan na ba nya ang paglalako ng neo-liberal globalization na inaadhika ni Bush et al?

7. Third, I will begin to reach out to the political and civil sectors that have an interest in the various advocacies that are relevant to our constitution. Federalism, for example, is an advocacy that I had espoused long ago. Hmm, pilit na namang inilalako sa atin ang cha cha. For more info, read The Economics of Cha Cha written by IBON. Makikita natin na hindi lang governance ang gusto nyang baguhin kundi buksan ang bansa sa economic interests ng malalaking kompanya. Konekta-konektado na yan e.

Footnotes:

1. Ang bobo ng mga speech writers ni Gloria. Tagalugin man lang ang talumpati nya! Sa palagay ba nya ay mama-mask nito ang totoo nyang intensyon?

2. Matigas talaga ang ulo ni Gloria, parang si Bush. Sabi ni Bush sa G8 meeting, ang rason kung bakit hindi nya pinirmahan ang Kyoto Protocol, na naglalayong bawasan ang greenhouse emissions, ay dahil raw makakasira sa ekonomiya. Marami raw mawawalan ng trabaho. Mawawalan ng trabaho dahil magsasara na ang MNCs at TNCs na siyang nagbubuga ng malawakang emissions na syang dahilan ng global warming? Sa halip raw na mag-focus sa pagtatalaga ng quota sa emissions ay mag-develop na lang ng technologies para mabawasan ito. And who holds the technology in this day and age? Pabor pa rin sa kanila. So kailangang i-sacrifice ang environment para hindi masira ang ekonomiya?

3. Hindi pa rin tayo nakakawala sa vestiges ng colonialism. Tuta pa rin tayo.

Thursday, July 07, 2005

Live 8: Beyond Bono and Chris Martin

Oo naman, nakakabilib ang mga musikero na lumahok sa Live 8 pero kailangan ding tingnan ang mas malawak na perspektiba. Sino'ng tunay na nakinabang? Ano ang motibo ng palabas?

Live 8: Corporate Media Bonanza

Tuesday, July 05, 2005

how to break up with your gf

here's a surefire way to get rid of your girlfriend. accuse her of infecting you with STD (sexually transmitted disease). to ham it up, declare that she was the only one you ever had sex with.

now, that's the meanest excuse i've heard in ages. asshole!