Monday, March 20, 2006

tag ni brenda

haha, first time kong ma-tag. eto ang aking 20 personal trivia:

1. kaliwete ako (at proud ako!) noong tinuturuan ako ng mama na magsulat, sabi nya dapat daw sa kanan kasi lahat daw ay kanan ang ginagamit. noon pa lang ata rebelde na ako at gusto ko na'ng maiba kaya naisip ko, sige, maging kaliwete nga.

2. pabaligtad ako'ng pumirma. oo, napaka-unprofessional pero ganyan ako pumirma. wala pa akong nakikilala na ganyan pumirma. ipakilala nyo sa akin kung meron.

3. sampung taon na akong nagpapa-relax ng buhok at sa same parlor, dun sa jun encarnacion sa philcoa na ngayon ay iba na ang pangalan.

4. mahilig akong magngatngat ng kamay, dati pati paa. ngayon, kamay na lang at pati labi.

5. naging reyna ako ng barangay noong magpo-fourth year high school ako. ahaha! bago pa nito yung 1997 crisis kaya hanggang ngayon, record holder ako na may pinakamalaking perang naiakyat sa barangay. what a waste.

6. ang second choice ko ay architecture, first choice talaga ang journ.

7. first time kong nakapunta ng up diliman noong freshie orientation. ginagawa pa lang ang bahay ng alumni non.

8. KATIG ang batch name namin sa ujp, KATIG din ang pangalan ng HS batch org ko.

10. 19 years old ako nung una akong nagka-boyfriend.

11. sampu...ang mga daliri ko sa kamay.

12. naniniwala ako na minulto ako sa isang dorm sa pampanga.

13. hindi pa ako nakakapunta sa ibang bansa. dito sa pilipinas, pwera sa gma, nakapunta na ako sa vigan (ilocos sur), tabuk (kalinga), pampanga, bulacan, cavite, laguna, rizal, quezon, batangas, oriental mindoro (syempre), romblon, aklan, iloilo, guimaras, cebu, butuan, cagayan de oro, surigao, bukidnon, dipolog, dapitan, davao at mga nadadaanang probinsya papunta sa mga ito.

14. three years ago, nagkasakit ako ng pneumothorax. nakakamatay raw ito. dalawang araw akong na-coma. wala akong nakitang liwanag, puro kadiliman (har har). nagdiriwang ako ng aking muling pagkabuhay tuwing august 5.

15. nanghihinayang ako sa mga posters, albums, newspaper/magazine clippings, autograph at concert tickets ng eheads na naitapon ng nanay ko.

16. ang birthday ni ely ay november 2, 1970.

17. tuwing may 29 ang pyesta sa amin.

18. noong fiesta 1993, nagsayaw kami ng el bimbo.

19. tangna, nasesenti ako pag naririnig ko ang huling el bimbo.

20. pareho kami ng school uniform nung batang babae sa video. sa may ermita rin ako nagtatrabaho.

3 Comments:

At 9:34 AM, Blogger the soliloquist said...

haha. certified e-heads fanatic ka pa rin madel!

 
At 1:35 AM, Anonymous Anonymous said...

lagot ka sa kin pagdating mo dito sa haus nmin, ptutugtugin ko el bimbo khit mdaling araw.ooops..left handed rin me pero ang alam ko dyosa ng kgandahan pag left handed..agree k n! yahho

 
At 8:44 AM, Blogger mayang said...

sino kaw?

 

Post a Comment

<< Home