Basbas ng Mina
Napansin ko lang sa previous post ko, ginamit ko ang salitang sustainable. Ngayon, gagamitin ko uli, this time lumitaw ang salitang ito sa panayam kay Rep. Robert Ace Barbers sa Inquirer ngayong araw.
Nag-react si Rep. Barbers tungkol sa panawagan ng CBCP na ipagbawal ang mining operations at buwagin ang mining law. Ang ibig nyang ipakahulugan, nakikinabang din naman ang Simbahan sa pagmimina dahil dito nagmumula ang pagpapatayo ng simbahan at mga kagamitan katulad ng kampana, scepter at singsing ng pari.
Wala naman daw masama sa pagmimina dahil napapaunlad nito ang ekonomiya at nababawasan ang kahirapan lalo na kung nakaangkla ito sa prinsipyo ng sustainable development. Ayan, ginamit nya ang termino na sustainable development. E di ba nga marami na namang sumasakay sa terminong ito? Lahat na ata ito ang bukambibig, mula dun sa mga magsasaka sa grassroots hanggang sa mga multinasyunal na sumisipsip ng tubo mula sa mga least developed at developing countries katulad ng Pilipinas. Ang tanong pa rin ay, "Sino'ng nakikinabang? Para kanino ang development?"
Nabanggit na rin sa artikulo na mayaman sa mineral ang Surigao na syang balwarte ni Barbers. Dapat sigurong busisiin kung ano ang business interests at sino ang partners nitong si Barbers . Baka meron sa PCIJ. Dapat ding mapakita kung ano ang mga pinopondohan nyang proyekto at kung sino ang mga stakeholders nito. Baka may masilip na ugnayan sa parteng ito.
Marami nang mga pag-aaral na nakapinsala ang large-scale mining sa kalikasan at sa buhay ng tao. Lepanto sa Benguet, Marcopper sa Marinduque, Rio Tuba, Siocon. Ang isa namang primerang basehan sa pagtutol sa kaapruba pa lang na pagmimina ay ang precautionary principle. Dito ay sinasaad na kung may potensyal na malaking pinsala ang isang development project, mas makabubuting wag nang simulan o ituloy ito kesa naman i-evaluate nang nakalarga na o ongoing na ang proyekto at litaw na ang masamang epekto nito. Mas mahirap agapan yon.
Sa ngayon, nararapat lamang na bantayan o agapan muna ang mga pronouncements ng mga katulad ni Rep. Barbers at baka pati ultimo cellphone o lapis na ginagamit natin ay ipamukha nyang nanggaling sa mina. Na siya rin namang totoo. O sige, cellphone o trahedya sa Marcopper?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home