Monday, March 20, 2006

what's in a name?

mayang ang palayaw nung namatay na estudyante na pinakain ng pinagtasahang lapis ng teacher nya. ma. delmar ang totoo nyang pangalan.

hindi naman talaga mayang ang palayaw ko. wala namang tumatawag sa aking mayang. nakuha ko lang ito dun sa batang babae na nakapanayam ko sa quezon city rtc noong nagko-cover ako para sa isang journalism class ko noong college. kinasuhan nya ng incestuous rape ang kanyang amain.

doon naman sa una kong trabaho sa isang international women's organization, ang pangalan ng isang staff namin ay mayang. sabi ni karen, si ate mayang ay ina rin noong napaslang na binatilyo/binata na napagkamalang npa noong isang taon (o noong nakaraang taon).

kaya tingnan nyo, hiniram ko lang ang pangalang mayang. pero ang orihinal talaga nyan, amanda talaga ang gusto kong pangalan (na nagkataon namang pwedeng mayang din ang maging palayaw). noong high school ako, gusto ko ang pangalang amanda kasi tunog sosi (burges sa termino ko ngayon). noong nag-college ako, dinugtungan ko ng lorena sa kadahilanang alam na ng iba. dalawang pangalan, dalawang magkaiba ang nire-represent. at lagi silang nagtutunggalian.

sa pagtagal ng panahon, marami na akong mga naging karanasan, nag-iba na rin ang pagpapakahulugan ko sa salitang mayang. siya ang rape survivor na nakilala ko sa rtc. siya ang ina ng napaslang na anak at kasapi ng women's movement. hindi nagtagal, inako ko na rin si mayang bilang ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home