high school reunion: unang bugso
ang unang activity para sa tenth anniversary ng high school batch namin ngayong taon ay ang paglikom ng pondo na pambili ng school supplies para sa lampas limampung grade 1 students ng isang public elementary school sa calapan. tinatayang aabot sa hindi kukulangin sa P500 ang magagastos para sa bawat isang bata. kasama na doon ang bag na tig-P150 lang. bukod sa school supplies ay meron pang registration fee at uniform na pag sinuma lahat ay aabot sa mahigit P1,000. sa ngayon, school supplies muna ang target namin.
nagsimula kaninang umaga lang, sampu agad sa mga kaklase namin ang nag-pledge. mabuti na rin lang at me ganito rin palang project ang office nina efren kaya sagot na nya ang P100 worth of school supplies for 60 students. sana ay mas maraming tumugon para hindi lang mga grade 1 ang mabigyan namin.
ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa lahat ng pumayag. hinihimok ko rin ang ibang indibidwal at organisyon na sumuporta sa amin at sa aming mga kababayan sa calapan sa kahit na ano'ng paraan. salamat din sa gma foundation na nag-inspire sa amin para gawin din ang klase ng proyektong ito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home