Wednesday, February 01, 2006

fruitcake heights

ehehe masyado na akong nalibang sa pamamasyal sa mga blogs ng feministas. sobrang dami, as in sobrang daming magagandang blogs. napagtanto ko na marami pang isyu ang pwedeng isulat at sobrang laki ng espasyo ng internet para mapaunlakan lahat ito.

ngayong araw na ipinataw ang karagdagang value-added tax (VAT) mula 10 hanggang 12 porsyento. sino'ng maysabing hindi maaapektuhan ang karaniwang tao? pamasahe, gasul, kuryente, tubig, presyo ng mga bilihin.

kung nasa probinsya lamang ako, gusto ko sanang:
1. mag-bike o maglakad na lamang;
2. magtayo ng solar panels at mag-produce ng methane gas mula sa biodegradable wastes;
3. magtanim sa aming bakuran- bukod sa mga nakatanim na, gusto kong dagdagan ng kalamansi, sili, kamote, kamatis;
4. bumili ng sarili kong bukid- doon ay makakapagtanim ako ng mas maraming puno at gulay na organic at makapagpatayo ng bahay
5. magtayo ng women's coop
6. atbp.

eto, may pagka-utopian pero posible namang makabuo ng model community na ganito ang konsepto, eco-friendly at sustainable. yung tipong ang komunidad ang gagawa ng sarili nilang tinapay, may magde-deliver ng sariwang gatas sa umaga, may maliit na palengke, may poetry reading at musika, maraming puno, sariwa ang hangin. hayyyyyy...

another world is possible. at gusto ko fruitcake heights ang pangalan ng magiging komunidad namin. hmmm, hindi kaya maging animal farm ni george orwell ito? hehe.

2 Comments:

At 9:29 AM, Anonymous Anonymous said...

hahahaha!! maganda yan, sa gitna ng paghihirap ng pinoy me hope ka pa :)!!!kaya lang sensya na hanggang hope na lang ata :)!! mabuhay ka!

 
At 5:22 PM, Blogger DeLi said...

oo nga madel, na-inspire ako dito ah

 

Post a Comment

<< Home