lamang tiyan din yan
isang beses ko pa lang napapanood yung bagong tuna commercial ni jericho rosales. dito ay ipinakita na lahat ng babaeng nae-encounter nya ay naka-red tube. pero pwede naman palang magka-variety. meron din palang nakasuot ng green o iba pang kulay.
parang tuna. marami palang variety o flavor ito. pwede sigurong adobo, caldereta at iba pa. nakakasawa nga naman kung original o classic flavor lang.
linsyak, inihambing na naman ang babae sa isang pagkain o bagay. ginawa na namang commodity na nabibili saka sex object na pinagnanasaan.
ang pinapahiwatig pa ng commercial, ang mga lalaki raw (hindi ko nilalahat), ay likas nang polygamous. hindi raw sila nakukuntento sa isang babae. titingin at papatol din yan sa iba. at mukhang maraming tanggap na ito.
linsyak na yan, dapat magkaroon din ng ED (educational discussion, hindi erectile dysfunction) para sa mga advertising agencies na yan para mabawas-bawasan naman ang sexist messages na nakaka-impluwensya sa manonood.
sa kabilang banda, mabuti naman at may ilang tv ads na gender-sensitive na rin.
ang gusto kong tuna ay hot and spicy. wala lang.
2 Comments:
weee, patama ba iyan kay guy in white T????sya yun!!!!
wahaha! hindi ko sya naisip nung sinulat ko ito pero ngayong nabanggit mo, swak!!!
Post a Comment
<< Home