Wednesday, December 14, 2005

smart women

Male friend: Mayang gus2 mo b pkila2 kita s brkda ko? Gwping un!
Mayang: Yoko n ng bata!
MF: Tange 24 n un! Mtanda skin ng 5 yrs.
M: 26 kya ako!

Maya maya...

MF: Ayaw sau mayang! Seryoso k dw! Pti smart k!
M: Yeah, i know. men prefer dumb chicks
MF: Tange globe xa!

End of text

And this was the text I received from my separada boss on my birthday:

A man asks Confucius: Do smart women make gud wives?
Confucius answers: Smart women never become wives.

End of text

make a wish

ha ha ha! ang galing naman. si ma'am ang nabunot ko tapos ako rin ang nabunot nya. e alam ko na ang natanggap ko kasi sa akin sya nagpabili ng regalo. yey, me sariling kopya na ako ng like water for chocolate! sobrang last minute ko napili yun.

sa national ako pinabili ni ma'am. so hanap ako. ano kaya? libro kaya? baka wala nang time magbasa ang mga faculty. self-help book? baka mas magaling pa si ma'am sa may akda ng librong mapipili ko. meditation book? wala akong makita na maganda. catholic/inspirational books for women? baka hindi katoliko ang makakatanggap. me pinili akong collection of short stories about women na lalaki naman ang nagsulat pero sikat. sige na nga, male-late na ako e. e kaso nung nagbabayad na ako sa counter nasa bestseller table yung like water kaya hayun!

ha ha ha! tinandaan ko pa yung nakabilot na papel na ginawa ko at wishing na yon ang makuha ko. kaya lang ay inuna ko muna silang pabunutin. ha ha ha! iyon ang natira! ang swerte ko naman. sabi pa ni ma'am, bibigyan nya ako ng dvd copy. yey!

ang binili ko namang pang-exchange gift ay vcd copy ng iron jawed angels. ito yung pinalabas sa feminist film fest tungkol sa women's suffrage sa america. starring dito sina hillary swank at julia ormond. ang isa ko pang binili ay gapo. syempre, dahil sa recent subic rape case ay marapat lamang na i-refresh natin ang ating alaala. buti na lang at hindi pa napapanood at nababasa ni ma'am. actually, hindi ko pa rin napapanood o nababasa ang mga ito. these are the things that i would want for myself. di bale, yun na lang ang isasama ko sa aking wish list sa sunod na christmas party na dadaluhan ko.

Monday, December 12, 2005

Pekeng Dibidi, Pekeng Pangulo

Plaza Miranda, Disyembre 10, 9am. Alas nuwebe ang usapan pero ni isang bakti ay wala akong matanaw. Dito ba ang assembly? Kebs, pumunta muna ako sa Hidalgo para bumili ng mga dibidi. Aba, malapit na rin lang ako e kaya samantalahin na. Haha andami kong nabili! Sideways, Melinda Melinda, Trainspotting, Pulp Fiction, No Doubt Greatest Hits. Ayus!

Balik uli sa Plaza Miranda. Tunay ka, andun na ang iba't ibang sektor at may mga hawak na bandila at banner. Andun na ang stage/truck at sound system. Andun na ang media. Ngek, dapat pala white shirt. Sabi ko nga white shirt e kasi lagi rin naman akong naka-white shirt. Yung red shirt day pala ay nung Biyernes. Hehe, yung iba ay naka-Serve the People shirt pero ako ay naka-I kissed Justine shirt. E yun lang kasi ang red shirt ko. E sino bang nagsabing mag-red shirt ako? Wtf?!

Iginala ko muna ang mata ko sa paligid. Me mga bata mula sa Children's Rehabilitation Center na nagpipinta ng banner. Si Aling Mameng naman nagpa-photo op, tinapak-tapakan at sinuntok-suntok ang imahe ni Gloria. Okay, padami na ng padami ang tao hanggang makita ko na ang mga kasama ko.

Nagsimula na ang programa. Nagsalita na ang mga representante ng iba't ibang sektor. Dyusme, ang init to the max! Binanggit ang mga isyu katulad ng Hello Garci, E-VAT at WTO. Syempre, ang pinakamatindi ay ang pagpatay sa mga human rights activists. Maya-maya ay dumating na ang delegasyon na nagmula sa Rotonda. Hawak hawak nila ang mga larawan ng pinatay na aktibista. Andun ang larawan ng mga kababayan ko, sina Leyma Fortu, Juvy Magsino, Erwin Bacarra, Choy Napoles. Nakaka-agit. Sa ilalim ng rehimeng Arroyo, daan daan na ang napatay. Lahat kami ay nagkakaisa na patalsikin/i-evict ang pekeng pangulo.

Konting salitaan pa at pagpapakilala sa mga organisasyong andon. Maya't maya rin ang pag-agit sa mga andun- pagsigaw ng mga slogan at pagpapatugtog ng protest songs na halaw sa mga popular na kanta. Pagkatapos ng programa ay tumulak na papuntang Mendiola. Paminsan-minsan ay tumatakbo kami para hindi maputol ang formation. Ayus, hindi ko na kailangan ng exercise.

Pagdating sa Recto, nakaharang na ang mga pulis. Kebs, doon na rin nagdaos ng programa. Andun pa rin ang mga beterano ng lansangan, ang mga pamilyar na mukha. Andun din ang tunay na Mayang na naging officemate ko dati. Maayos naman ang pagkaka-organisa ng mob hanggang sa dispersal.

Wow, noon ko lang naramdaman ang pagod pero excited pa rin akong umuwi kina Mariel para manood ng dibidi. Unang salang, no disc. 2,3,4,5, no disc lahat! Lintek! Niloko ako not just once but thrice! Kasi tatlong magkakaibang stall ang pinagbilhan ko. O kaso lang kaya ito ng compatibility sa tv at player? Ganun yung nabasa ko sa forums e. Aargh! Napeke ako! Lintek!

Thursday, December 08, 2005

Baha pa rin!

Kate-text lang ng papa. Pinapatawag ako sa Kakang Flor at pinapatanong kung baha pa sa kanila sa Libis. Palaki na raw ng palaki ang tubig. Kanina hanggang dibdib na. Sabi ng Ate Glen sinusundo na nila kagabi ang mga mama pero ayaw sumama at ayaw iwan ang gamit. Naku, ang mga libro ko, journals at pictures namin! Ang mga manok ni Alvin! Hindi nga ako masyadong makatulog kagabi at ini-imagine ko yung baha dun.

Sabi kanina ni Senator Gordon walang makalapag na helicopter. Malamang me mga barangay naman na mababa lang ang baha katulad sa bayan, Calero, Salong, San Antonio, Lazareto, Parang, Silonay. Kami kasi papuntang South e, papunta na sa mga bukid. Sabi ni Majal bumigay na rin yung isang dike sa Pola. Aargh!

No batt na si Alvin at ang mama. Ang Papa low batt na. Paano kaya sila lilikas? Ano'ng kinakain nila? Saan sila kumukuha ng tubig na pang-inom?

Wednesday, December 07, 2005

Save Calapan!

Tiyempong naabutan ko kanina sa Magandang Umaga Pilipinas ang balita tungkol sa pagbaha sa amin sa Calapan. Sabi ni Doy Leachon, ang city administrator, umapaw/nasira (?) raw ang Bucayao dike kagabi na naging dahilan ng pagbaha sa lunsod. Wala raw kuryente at umabot na ang baha hanggang tuhod, yung iba, lalo na sa rural areas, ay may lampas tao na raw. Pati sa mga evacuation areas ay umabot na rin ang baha.

Tinawagan ko ang mama pero hindi sumasagot. Out of coverage ang papa. Si Alvin ay hindi pinipik-ap ang kanyang cel. Siguro low batt na o nagtitipid dahil wala ngang kuryente. Maya maya ay binalita ng pinsan ko na lampas tuhod daw sa amin sa Tawiran. Yung isang pinsan ko naman ay nasa bayan at hindi na makapunta papuntang office nila (na banda ron lang sa bahay namin) dahil malaki na ang tubig sa dadaanang barangay. Naku, buti na lang hindi naapektuhan ang Silonay, ang barangay na sinilangan ng aking mga ninuno. Isla kasi yon kaya pag nagkataon ay baka mabura na yon sa mapa katulad ng nangyari sa Navotas (isa ring barangay na kalapit ng Silonay).

Ano ba naman yan?! Hindi ba nila na-monitor ang pagbulwak ng tubig sa dike? Saka kahit naman hindi umapaw yon, ulan lang ng tuluy-tuloy e baha na agad sa Calapan. Tingnan mo nga nung sem break, bumaha. Pero hindi ko na naabutan yun. Ang naabutan ko lang ay pinapala na ang naipong putik sa kalsada. Hindi nga maniwala si Mariel, akala nya niloloko ko lang sya. Hindi ko na naabutan yang mga pagbahang yan. Andito na kasi ako sa ka-Maynilaan mula 1996 para mag-aral. Yung bahay namin doon ay pinataasan na, wala, inabot din siguro nitong huling pagbaha.

Kung tutuusin, matagal nang concern yang pagbaha e. Eto ang nakita kong article online: Mindoro floods from damaged dike feared. Me nabasa rin akong flood control project proposal sa NEDA website. I wonder kung ano na ang status ng mga ito. At i wonder kung ano talagang mga initiatives ang pinapatupad para rito.

Sinisisi ang laganap na logging sa lugar. Hindi ko alam kung ano'ng extent ng logging dito at sa buong probinsya. At hindi ko alam kung sino ang mga nasa likod nito. Ang malinaw ay ngayon higit na nararamdaman ng mga tao ang epekto nito. Sabi nga ng isang nakakatanda dun sa amin, sa tanda raw nya na iyon ay ngayon lang sya nakaranas ng baha. Grabe, magpapasko pa naman.

Isang malaking dagok na naman ito sa probinsya kasama na ang mga dating isyu katulad ng pagpatay sa mga human rights activists, laban sa mining, mataas na singil sa tubig, laganap na droga, mahinang huli ng mga mangingisda at mababang productivity ng mga bukirin at ang pangkalahatang kahirapan.

Nananawagan kami sa mga kinauukulan na magbigay ng karampatang tulong sa mga na-displace ng baha. Nananawagan rin kami na ipatupad ng maigi ang mga flood control projects na yan. Higit sa lahat, no to logging and mining!

Gusto ko ring ipabatid at hilingin sa mga makers ng Coconet, yung nanalo sa BBC, na i-extend ang kanilang teknolohiya sa amin sa pakikipagtulungan ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan. Bago pa man ang bahang ito ay kinakain na ang lupa sa coastal communities partikular sa aming barangay sa Silonay. Nawa ay maipaabot sa inyo ang aming panawagan upang hindi na magkaroon pa ng mas malaking pinsala.

Ngayon na! Kumilos na!

Monday, December 05, 2005

PBB finale

Nalathala sa Tinig.com ang sinulat ko tungkol sa PBB. Eto o:
Ako, ang PBB at ang Lipunan: Unang Silip

Salamat Ederic! Gusto ko rin ng Tinig shirt!