Friday, June 10, 2005

countdown to gloria resign

marami-rami na rin ang nananawagan na umalis sa puwesto si gloria arroyo. nagkapatung-patong na ang isyu sa kanya- jueteng, pandaraya sa eleksyon. kailan kaya puputok ang malawakang protesta?

sabagay, hindi naman agad agad yan. pinatunayan na yan nung erap impeachment. nagsimula iyon sa sunud-sunod na rali hanggang makarating sa edsa dos. nung panahon din ni marcos, di ba? hindi naman sya agad agad agad napababa sa puwesto. bago pa ang '86, marami nang mga pagkilos- pagtutol sa vietnam war, sa pagtaas ng presyo ng langis at pasahe, mga pagkilos noong first quarter storm.

ganito rin kaya ang kahahantungan ni gloria? medyo nababagalan ako. patalsikin na! mas mahirap bang patalsikin si gloria kesa ke erap? si gloria kasi ay palaban, matalino (kaya lang ay hindi ginagamit para sa kapakanan ng mga tao) at cunning. o baka naman cunningness lang ang talino nya!

siguro isa rin sa dahilan kung bakit mabagal ang pag-build up ng mass opposition kay gloria ay kasi masyadong komportable na ang ilang government officials at local elite sa kanilang posisyon at ayaw nilang magkaroon ng malaking threat sa status quo. tingnan mo nga ang mga palabas na soap opera, koreanovela at mga noontime shows sa dalawang nagbabanggaang istasyon? uukilkil ba sa utak mo na malaki ang problema ng pilipinas? maski ang news programs ay showbiz na at natatabunan na ang mga isyu na higit na nakakaapekto sa atin. pero syempre kung me magaganap uli na impeachment hearing, tiyak na showbiz circus na naman yun!

saka wala ka namang mapili na ipapalit sa pwesto ni gloria e. pare-pareho lang sila! tingnan mo nga yung sinabi ni conrad de quiros tungkol sa jose pidal expose ni lacson. dun pa lang sana, mane-nail down na si gloria e kaso ito mismong si lacson ay maraming baho. siguradong maraming pilipino ang naniniwala na si jose pidal ay si mike arroyo pero coming from lacson's mouth, sige na nga. mapapakibit-balikat ka na lang at hihintayin kung ano namang ibubuwelta ke lacson.

ihambing natin sa nangyayari sa bolivia. lahat ng batayang sektor ay nanawagan na i-nationalize na ang kanilang hydrocarbon at tigilan na ang pag-accomodate sa foreign investors. dahil sa matinding pressure, nag-resign ang presidente. nakatakdang ipalit ang senate president pero ayaw rin ng mga tao. apparently ay pareho lang ang kanilang hulma.

habang ito ay nangyayari ay balita naman sa atin ang mas malawakang liberalization ng mga serbisyo katulad ng telecommunications at distribution alinsunod sa intinakda ng general agreement on trade and services (GATS). naku, maging bolivia part 2 kaya tayo? sana naman isalang ang mga isyu na ito sa mga dahilan para mapatalsik si gloria. after all, hindi lang naman ito corruption issue kundi ang skewed political policies (think about the support to the US-led Iraq war) at economic policies (think about liberalization of mining and agriculture, deregulation of oil and privatization of government agencies) ni gloria.

maaaring sabihin nyo, ano ba yan? tuwing me makikita bang butas sa pangulo ay kailangang pababain agad sa puwesto? it is the problem with too much democracy daw. nasisira na rin daw tuloy ang diwa ng edsa.

ang masasabi ko uli, pare-pareho lang silang nauupo. iba't ibang mukha nga lang pero pare-pareho sila! now, if only we are presented with viable alternatives, yung mas aakma sa kondisyon nating mga taga-south.

in the meantime, patuloy muna ako sa pag-monitor ng mga kaganapan. at siya nga pala, last two weeks na ng memories of bali.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home