Monday, June 27, 2005

love and power relations

once again, ini-explore ko na naman ang pagkahilig ko sa salitang 'power relations'. this time, it's about love. i always thought that love is a site of struggle. you see yourselves as equals kaya time and again, you have to negotiate your position. this is different from the oppressive kind na merong nasasakop at merong nagpapasakop. ideal ba?

i thought that can never happen to me. i have these insecurities that even in finding a potential life partner, mare-reflect doon how insecure i am. that my partner-to-be is a reflection of my weaknesses. aba, what made him (or her na rin) make patol to me? ako rin, matatanong ko sa sarili ko, what made me patol to him/her? is it because s/he finds me a 'lesser' person and vice versa? kung ia-apply sa usapin ng power relations, yun na nga, me usapin ng nasa ilalim at ang pumapailalim.

recently, nagtatanung-tanong ako sa mga friends ko. sabi ko, "would you fall in love with a man who is way beyond your economic and academic status?" marami akong interesting na nakuha. sabi ni jan, okay lang kasi urban poor din daw sya (as if!) saka as long as the man is not that dumb! sabi naman nung dalawa, hindi raw. the economics of love so alam nyo na kung ano yun. sabi naman nung isa, wa nya care. when it hits you, it hits you (so alam mo na jan kung sino yun!).

ako naman, dumating na sa point na wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. dati kasi sobrang lakas na pressure sa akin yan. ngayon, nasan na yung mga taong yun? wala, nabuhay naman ako kahit wala sila. bakit kailangan ko pa silang intindihin?

pero iba na ngayon. me pangresbak na sa akin e. hindi lang ako ang dapat mag-isip ng mga konsiderasyon. me reputasyon na ako. gone are the 'innocence of youth and purity of love' days ko. i always say that men do not take me seriously. sabi ni jan (jan, masyado ka nang star dito sa blog ko), it's because i don't take myself seriously.

sa kabilang banda, love can be empowering. it's no longer an issue of who controls who. it's no longer about competition. back to basic tayo. pag-uphold ng values like trust and respect. simple lifestyle. ideal ba?

Friday, June 17, 2005

combo on the run

fete dela musique na bukas! pero sa totoo lang, hindi pa ako nakakapanood nun e. mas suki ako ng mga concerts sa UP (UP Fair, pa-concert ng mga orgs at frats/soros), sa 70s, sa city jam, sa xaymaca (impluwensya ni mayel!), sa mayrics (nito lang monday! e ang lapit lapit ko na dun ha?!), nu alternativity (meron pa ba nito? pero hindi ko talaga dig ang pulp summer slam).

hanep, college girl na college girl ba ang dating? at pansinin nyo rin, qc girl na qc girl! grabe, high na high pa rin talaga ako pag nakakapanood ng bandang tumutugtog. hindi naman ako groupie. wala, enjoy lang sa pakikinig. napaparami tuloy ang inom ko hehe.

sa sobrang pagka-adik ko sa mga banda, ginawa kong term paper nung college. hindi lang isa kundi dalawa pa! yung una ay sa popular culture class ni prof. roland tolentino. ang subject ko ay eraserheads. pinaliwanag ko ang konsepto ng stardom at ang imaheng nabubuo ng banda sa audience nito. ang pangalawa kong paper (sa klase naman ni prof. robin rivera) ay tungkol sa parokya ni edgar. karugtong pa rin ng konsepto ng stardom, pinaliwanag ko naman yung political economy kung paano nabubuo ang isang star at paano nya nasu-sustain ito. o di ba? me bahid pa rin ng marxistang pananaw.

isa sa malaking dahilan kaya excited na excited akong makatuntong sa UP ay dahil sa mga banda- sa eheads lalo na! pero muntik na akong hindi makapasa sa UP dahil din sa eheads e! UPCAT kasi nun. e first time noong magkaroon ng testing center sa probinsya so hindi na namin kailangang lumuwas dito. nagkataon naman, concert din ng eheads kinagabihan! habang nage-exam kami, hindi ako mapakali. nadi-distract ako kasi naririnig ko yung wang wang ng motorcade. naku, buti na nga lang nakapasa ako!

eto pa ang isa kong paboritong ikwento: inalam ko kung saan nakatira ang eheads. nakalimutan ko na kung paano ko nalaman. pumunta kami ni twinkle sa 10 maalalahanin st. sabi ko, ano? mag-apply tayong PA? pagdating namin dun, nag-aatubili pa kami. nahiya bigla! e biglang lumabas si gary tapos napansin nya kami. pinatuloy nya kami. andun si marcus, nakahubad ang pantaas at mukhang kagigising lang. nagkalat ang mga gamit- gitara, gadget, sapatos. bigla kaming napipi. nagtanong na rin, "pwede ba kami mag-appply as PA?" hindi raw nya alam. hindi raw sya ang nagdedesisyon nun. me binigay syang number. patlang. maraming patlang. nakatitig lang kami sa kanya at hindi na mapalagay. nagpaalam na rin kami. paglabas ng gate, nagkatawanan. hahaha! ang tapang namin!

ewan ko, hindi ko na maalala kung natawagan ko yung binigay ni marcus na number sa akin. sayang! basta andami pang adventure. hahaha! speaking of twinkle, ini-snatch nya yung bote ng energy drink na ininuman ni ely pagkatapos nung isang concert. hooooooyyyyyy!

mabuti naman at buhay na buhay pa rin ang band scene ngayon. pero the best pa rin talaga ang mga banda galing UP. nasa environment kasi yan e. mas me freedom kaming mag-express ng aming sarili. syempre mas nakakabilib kung nakaka-raise ng social consciousness.

see you all at the fete? hindi pa ko sure kung pupunta ako...

Friday, June 10, 2005

countdown to gloria resign

marami-rami na rin ang nananawagan na umalis sa puwesto si gloria arroyo. nagkapatung-patong na ang isyu sa kanya- jueteng, pandaraya sa eleksyon. kailan kaya puputok ang malawakang protesta?

sabagay, hindi naman agad agad yan. pinatunayan na yan nung erap impeachment. nagsimula iyon sa sunud-sunod na rali hanggang makarating sa edsa dos. nung panahon din ni marcos, di ba? hindi naman sya agad agad agad napababa sa puwesto. bago pa ang '86, marami nang mga pagkilos- pagtutol sa vietnam war, sa pagtaas ng presyo ng langis at pasahe, mga pagkilos noong first quarter storm.

ganito rin kaya ang kahahantungan ni gloria? medyo nababagalan ako. patalsikin na! mas mahirap bang patalsikin si gloria kesa ke erap? si gloria kasi ay palaban, matalino (kaya lang ay hindi ginagamit para sa kapakanan ng mga tao) at cunning. o baka naman cunningness lang ang talino nya!

siguro isa rin sa dahilan kung bakit mabagal ang pag-build up ng mass opposition kay gloria ay kasi masyadong komportable na ang ilang government officials at local elite sa kanilang posisyon at ayaw nilang magkaroon ng malaking threat sa status quo. tingnan mo nga ang mga palabas na soap opera, koreanovela at mga noontime shows sa dalawang nagbabanggaang istasyon? uukilkil ba sa utak mo na malaki ang problema ng pilipinas? maski ang news programs ay showbiz na at natatabunan na ang mga isyu na higit na nakakaapekto sa atin. pero syempre kung me magaganap uli na impeachment hearing, tiyak na showbiz circus na naman yun!

saka wala ka namang mapili na ipapalit sa pwesto ni gloria e. pare-pareho lang sila! tingnan mo nga yung sinabi ni conrad de quiros tungkol sa jose pidal expose ni lacson. dun pa lang sana, mane-nail down na si gloria e kaso ito mismong si lacson ay maraming baho. siguradong maraming pilipino ang naniniwala na si jose pidal ay si mike arroyo pero coming from lacson's mouth, sige na nga. mapapakibit-balikat ka na lang at hihintayin kung ano namang ibubuwelta ke lacson.

ihambing natin sa nangyayari sa bolivia. lahat ng batayang sektor ay nanawagan na i-nationalize na ang kanilang hydrocarbon at tigilan na ang pag-accomodate sa foreign investors. dahil sa matinding pressure, nag-resign ang presidente. nakatakdang ipalit ang senate president pero ayaw rin ng mga tao. apparently ay pareho lang ang kanilang hulma.

habang ito ay nangyayari ay balita naman sa atin ang mas malawakang liberalization ng mga serbisyo katulad ng telecommunications at distribution alinsunod sa intinakda ng general agreement on trade and services (GATS). naku, maging bolivia part 2 kaya tayo? sana naman isalang ang mga isyu na ito sa mga dahilan para mapatalsik si gloria. after all, hindi lang naman ito corruption issue kundi ang skewed political policies (think about the support to the US-led Iraq war) at economic policies (think about liberalization of mining and agriculture, deregulation of oil and privatization of government agencies) ni gloria.

maaaring sabihin nyo, ano ba yan? tuwing me makikita bang butas sa pangulo ay kailangang pababain agad sa puwesto? it is the problem with too much democracy daw. nasisira na rin daw tuloy ang diwa ng edsa.

ang masasabi ko uli, pare-pareho lang silang nauupo. iba't ibang mukha nga lang pero pare-pareho sila! now, if only we are presented with viable alternatives, yung mas aakma sa kondisyon nating mga taga-south.

in the meantime, patuloy muna ako sa pag-monitor ng mga kaganapan. at siya nga pala, last two weeks na ng memories of bali.

Wednesday, June 08, 2005

Please watch our dance recital y'all!

Manood naman kayo ng dance recital namin sa Sabado, June 11 sa Abelardo Hall, UP College of Music, 7pm. P200 ang tiket.

Maraming performances: hip hop, jazz at belly dance. Ang organizer ay Peak Performance na pag-aari ni Jill Ngo, isa sa mga beterana ng Whiplash Dancers. Eto na ang culmination ng aming summer dance workshop. Panoorin nyo kami!

Ang sasayawin ko ay "Baby It's You" ni Jojo at "Get Right" ni JLo. Kabilang din sa grupo namin sina Kristine at Majal kaya masaya ito! Hakot audience!

Kitakits!

Ganyan ka pala...

I wrote something in my alter-blog that caught the ire of a moralist. S/he sent me this link: Chick Publications.

This just might be the reason why I am hesitant to write freely in this blog.

I am a self-proclaimed feminist and just when I thought I can hurdle all the gender-based discrimination that come my way, along came this recent incident that made me rethink my values and disposition.

Everyday is a struggle, a continuous negotiation with unequal power relations and patriarchal social conditioning. Believe me, it is not easy. I still succumb to the pressures of society.

(Thanks Jan for always reminding me to update my blog!)