How the four-day work week ruined my dance class sched: Some notes on globalization and labor
Shit! Na-delete ang previous post ko. Nag-operation timed out. Diretso ko na kasing tina-type dito sa create post kesa isulat muna sa Word. That way, dire-diretso ang thoughts ko with little room for self-editing. Iyon naman talaga ang pinagsusumikapan ko. Dagdag pa yung insight ni Ma'am Carol Sobritchea ng UP Center for Women's Studies noong nagsalita siya sa book launching dito sa UP Manila na there is a new way of feminist editing daw. Iyon ay wag masyadong pakialaman ang sinulat ng women writers. That way, litaw na litaw kung ano mang kaalaman o ideya na nais i-impart ng mga kababaihang ito. Reminds me also of the book, "Women's Ways of Knowing," by Belenky et al. Dahil ang kaalaman ay tradisyonal na monopolyo ng kalalakihan, kailangan namang mas palitawin ang boses ng kababaihan.
So ang gagawin ko na lang sa susunod ay cut and paste the entire entry to Word then save para siguradong me back up.
Anyway, isusulat ko na lang as separate entry yung ginawa ko kanina. I should take it as a sign from God since that entry is about God. Baka sabihin it is an affront to the conservatism of the Catholic Church.
This one is more urgent at baka hindi ma-capture agad kung later ko na isusulat. As I am to click submit post (referring to my previous deleted post), me dumating na memo about the implementation of the 4-day work week in the university starting next week. Ngayong summer lang naman daw para makapagtipid sa konsumo ng kuryente. Actually, yung ibang government agencies ay nagsimula na this week.
The memo said work hours will be from 7:30am-6:30pm. My first reaction, patay, paano ang dance class ko? 7-8 pm yun e sa Pantranco pa so mala-late kami kung 6:30 pa lang kami aalis dito. Sayang naman ang binayad namin kung lagi kaming late, di ba? So sabi ko ke Kristine, gawa na lang kami ng letter requesting na mas maaga ng 30 minutes kami uuwi. Besides, 2 days lang naman ang hinihingi namin. Ewan kung papayagan. Good luck sa amin. Saka baka i-trivialize at sabihin na, "Dance class lang naman yan! Bakit nyo pa pagkakaabalahan?" Aba, hindi yan ang isyu.
Ang isyu ay, ano na namang pakana itong 4-day work week na ito? Ito ba ang magiging sagot sa patuloy na pagtaas ng konsumo ng kuryente ng UP at ng buong ahensya ng gobyerno? Ang sagot ay ang tuluyang pagbuwag ng Oil Deregulation Law na nagpapahirap sa mga Pilipino! Sobra na ang maya't mayang pagtaas ng presyo ng gasolina. Laging sinisisi ng oil companies ang pagtaas ng presyo ng krudo sa world market. Minsan may konsolasyon naman na rollback. Pero wala pa rin itong panama sa mas maraming beses na oil price hike. At sinasabi nila na nalulugi sila? Hindi sila nalulugi! Kaya sumama na sa welgang bayan sa Lunes! Sabi nga ng FX driver kahapon, ang panawagan nila ay hindi pagtaas ng pamasahe dahil alam nila ang idudulot nito sa bulsa ng mga mamamayan. Ang panawagan nila ay tuluyan nang buwagin ang oil deregulation law.
Sa usapin ng paggawa, halatang halata na pinagwa-warm up na tayo ng gobyerno sa pangmalawakang flexibilization sa paggawa although laganap na rin naman ito sa parehong pampubliko at pampribadong sektor. Ang 4-day workweek ay halimbawa ng flexibilization. Ang iba pa ay pagha-hire ng part-time, casual at contractual workers, subcontracting, multi-skilling/job rotation, reduced work hours at marami pang iba. Sa ganitong sitwasyon, nate-threaten ang job security ng mga manggagawa. Kaunti o wala silang nakukuhang social benefits. Nagkakaroon din ito ng epekto sa kanilang kalusugan.
Job insecurity. Sa 4-day work week, paano na ang mga sumusweldo ng arawan? Sabi ni Arroyo, hindi maaapektuhan ang mga regular na empleyado. E paano sa hinaharap? Nakasisiguro pa rin ba sila? E kung kami ngang mga casual ay dapat arawan na rin ang pasweldo. Under this scheme, babayaran ka sa kung ilang araw ang pinasok mo. Pag nataon na holiday, hindi iyon saklaw sa bayad. Buti na nga lang at napakiusapan ni dating Pangulong Nemenzo ang DBM na hindi muna kami isali sa scheme na iyon. Ngunit hanggang kailan?
Konektado rin ito sa sinasabi ni Arroyo na holiday economics. Pag dineklarang walang pasok dahil sa holiday, iuurong ito ng Biyernes o Lunes para magkaroon ng long weekend. sa gayon daw ay magkaroon ng panahon ang mga empleyado para sa kanilang pamilya, mag-stay sa bahay o makapagbakasyon. E ano namang gagastahin namin sa pagbabakasyon? Tumaas na lahat, pamasahe, bilihin.
Seguridad. Kung 7-6 o 7:30-6:30 ang pasok, delikado sa daan lalo na yung mga manggagaling pa sa karatig-probinsya. Sa umaga, sympre madilim dilim pa. Natatandaan nyo yung babae na pinatay sa Guadalupe station? Sobrang aga pa non, 5am ata. Yung kilala ko ring teacher sa nursing, aba, 7am na-snatch yun a. Sa pag-uwi naman, syempre mas gagabihin na kesa sa dati. Okay, given na hindi na talaga safe sa mga panahong ito. Pero mas lalong nakaamba sa panganib ang mga manggagawa sa bagong sched na ito.
Workers' productivity (occupational health hazard). Nakasaad sa isang pag-aaral na walong oras lang ang kayang itagal ng pagtatrabaho ng isang tao. Paglampas doon ay bababa na ang kanyang productivity, magiging restless at iritable. Ano ang maasahan nating output sa 10 oras na pagbababad sa trabaho? Of course, mamimilosopo na naman ang iba na hindi naman buong panahon na yon ay nakalaan sa trabaho. Syempre may lunch break, yung iba may coffee/yosi break. Yung iba naman daw hindi agad magtatrabaho pagdating sa opisina kundi makikipagkwentuhan, magi-Internet o tutulog. Lame excuse. Ang punto ay dapat isaalang alang hindi lang ang ating physical kundi mental at physiological.
Gender division of labor at home. Sa ganitong iskedyul, mas maagang gigising si nanay para ipaghanda ng umagahan ang kanyang mga anak. Sa gabi naman, dali-dali syang uuwi para makapagluto ng hapunan. Dahil sya ang inaasahan sa mga gawaing bahay, mas lalong bibigat ang kanyang pasanin. Walang problema, patulungin ang asawa at mga anak. Ngunit ilan lang bang pamilya ang ganito? Kalimitan, pag ang mag-asawa ay parehong nagtatrabaho, si Mister ay pagod na raw mula sa buong araw na trabaho at kailangan nang magpahinga at manood ng PBA samantalang si Misis ay kailangan pang magluto.
Sabi pa sa memo, required ang mga units na magsumite ng report kung talagang nakatipid sila. Dito pagbabasehan kung tuluyan nang i-implement ang four-day work week sa regular na semestre. Uh-oh. Warm-up pa lang talaga ito. Kumbaga, sinasanay at kinukundisyon na tayo bago tuluyang i-systematize ang scheme na ito.
Para doon sa iba na hindi pa masyadong gamay ang ibig sabihin ng globalisasyon, ito na ang globalisasyon. Dikta ng IMF-WB na magkaroon ng flexibilization para makatipid at para makabayad tayo sa ating utang panlabas. Dikta ito ng MNCs at TNCs para makatipid sa labor costs at maging mas competitive sa world market. Tayong mga mangagawa ang sinasakripisyo upang may maibayad sa utang na yan. Tayo ang sinasakripisyo para mas lumaki ang kita ng mga kapitalista.
Kung lilimiin, parang nagsimula lang sa maliit na isyu. Ayoko ng 4-day work week kasi masasagasaan ang dance class ko. Pero may mas malaki pang isyu at sila ay magkakaugnay.
Sana ay aprubahan ang aming request na makaalis ng mas maaga tutal dalawang araw lang naman. Sa Lunes nga pala ay welgang bayan. Kasali kaya ang All-UP? Makasama nga.
(Ang aking pagmumuni-muni ay produkto ng mga natutunan ko sa isang semestreng kurso sa Women and Work na itinuro ni Ma'am Inday Ofreneo. Paumanhin sa Taglish. Bukod sa pagba-back up ng write up at pag-iwas sa maya't mayang self-editing, ang pagsusulat sa matatas na Ingles o Filipino, at hindi Taglish, ang aking pagsusumikapan sa susunod.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home