Monday, June 26, 2006

The Myths of Rape

Sa pagpapatuloy ng Subic Rape Case hearing noong Hunyo 23, ang stepsister ni Nicole na si Ana Liza Franco, 25, ang siyang tanging isinalang sa witness stand noong araw na iyon. Sinagot niya ang detalyadong mga pagtatanong ni Atty. Evalyn Ursua. Ngunit noong dumating na sa parte ng salaysay ni Ana Liza na nagkahiwalay sila ni Nicole, ang paghahanap nila dito sa kung saan-saang bar at ang muli nilang pagtatagpo sa hotel lobby ng tulala nang kapatid kasama ang SBMA police, tuloy-tuloy na ang pag-iyak ni Ana Liza. Nagkaroon muna ng recess pagkatapos ay pinagpatuloy na ang kanyang testimonya. Walang ampat pa rin ng iyak habang nagsasalaysay hanggang nakiusap siya na itigil na muna ang pagdinig. Pagkababa ni Ana Liza sa witness stand, nagyakapan at nag-iyakan ang magkapatid. Mahigpit ang yakapan. Matagal. Si Nicole na siyang survivor ang siya na ngayong umaalo sa kapatid.

Maraming pwedeng ipagkahulugan sa IYAK na iyon. Emosyunal, paawa, humahanap ng simpatiya? Guilt dahil nawala sa paningin ang kapatid? Bilang nakatatandang kapatid, hindi sana mangyayari iyon kung masusi niya itong binantayan. Guilt dahil bakit pa nila pinaunlakan ang paanyaya ng mga Amerikanong sundalo papuntang Subic? Disin sana ay hindi na nangyari iyon. Guilt dahil sobra silang nagsaya, uminom, nakipagsayaw? Pagkapahiya? Paninisi?

Ang saklap. Napahamak ang sarili mong kapatid habang kayo ay magkakasama. Maraming kasong ganyan. High school reunion. Kwentuhan, inuman, tawanan. Nagkita muli si babae at lalaki. May spark. Nagkapalagayang loob. Kilig si babae. Nag-kiss pero naging agresibo si lalake. Ayaw na ni babae ng ganon. Kaya ayun, habang nagkakasayahan ang magkakaklase, may masama na palang nangyayari sa isang bahagi ng gusali.

Eto pa. Fiesta naman. Sumama si babae sa mga kaibigan nyang lalaki para mag-inom. Siya ang nag-iisang babae. Kwento, toma. Ang lalakas na ng boses! Naubos ang alak. Bibili raw si lalake. Isinama si babae. Kinaladkad si babae sa talahiban. Ayoko, balik na tayo, sabi ng babae. Sa kalasingan ni babae, hindi na sya masyadong nakapanlaban.

E halata namang gusto ng babae si lalaki! Feeling lang niya na gusto rin siya! O kaya, e gusto rin naman ng babae yung ginawa nila! Nang-akit siya, nagpakita ng motibo. Nag-iinarte lang yan! Ang babaeng yan pag nakakainom talagang lumalabas ang kalandian! E bakit kasi sumama sa puro lalake!

Sabi ni Ma'am Guy, ang pakikipagligawan daw ay parang sugal. Tataya ka raw, magbabakasakali. Maaaring magkagustuhan kayo. Pero pag naramdaman mo nang teka, parang may mali. Preno. E paano kung tuluy-tuloy pa rin si lalaki?

Masarap kiligin. Masarap yung feeling na me nagkakagusto sa'yo, ang mga nakawan ng tingin, ang bolahan. Masarap ang halik at haplos lalo na kung ito ay banayad, may halong respeto at gusto nyo pareho. Sabagay yung iba, sabi nga nila, some like it wild and hot! Pero ibang kaso yon. Pag sinabing wag, wag. Pag sinabing hindi, hindi. Pag sinabing tama na, tama na.

Sugal nga e. Tataya, babawiin, ipagpapatuloy o titigil sa laban. Mananalo. Matatalo.

Maaaring may mali nga sa behavior ng babae. Hindi sya dapat umiinom ng marami kung hindi nito kaya. Hindi sya dapat sumama sa mga lalaki. Ngunit sapat ba iyon upang lapastanganin sya?

Maski prostitute nare-rape. Maski asawa nare-rape. Maski pangit nare-rape. Maski saan nangyayari ang rape, hindi lang sa madidilim na lugar. Minsan, sa harap pa mismo ng iyong kapatid at mga kaibigan.

Wednesday, June 21, 2006

the big C

hindi naman ako masyadong masipag mag-blog ngayong araw.

ang realidad ay kahit maganda ang intensyon mo, taliwas dito ang nangyayari. maganda ang usapan namin noong una. sila ang pinag-presyo namin, kako ay yung hindi sila matatalo. pinagkatiwalaan namin na bumili ng dagdag na materyales. binigyan pa namin ng pambili ng kape at asukal para sa mga panahong nagpupuyat sila. ate, nagsisimula pa lang kami. partners, sama-sama tayo. me nabanggit din na profit sharing at pagkakaloob ng takdang benepisyo.

dumating agad ang pagsubok. delayed ang production. sira ang nag-iisang makina. hindi sinunod ang design namin. maraming nagpapagawa bukod sa amin. minadali at hindi pulido ang gawa, tinipid pa. naimbyerna na ang mga kasamahan ko. pull out na. ngayon, steady lang kami. learn from your mistakes. magsimula uli.

hay, ang trahedya ng the big C.

okay, lampas na ako sa quota this week.

sabi ni J

ngayong tapos na ang "THE BIG DAY" (na hindi ko naman big day kundi big day nila), sabi ni J ay makapagsisimula na ako ng panibagong chapter ng aking buhay. grabe, torture sa akin ang mga araw bago ang big day. napapanaginipan ko, nai-imagine ko kung paano sila nag-iisang dibdib. ngayon, kahibangan na lang isipin na may pag-asa pa kami. kahibangan nang isipin na maunang mamamatay ang babaeng yon kesyo mas matanda sya sa amin at magiging kami pa rin sa bandang huli. kahibangan nang isipin na sa malao't madali ay mawawala rin naman sa eksena ang nanay nya na hindi boto sa akin. kahibangan na ang bahay malapit sa dagat. e di dapat ako ang naging pangunahing tauhan sa big day, anoh?! no regrets. tuloy pa rin ang buhay. BIIITTEEEERRRR!!!!!!

project magasin: next level! abangan na lang natin ang kahihinatnan sa susunod na tatlong buwan, J.

at dahil malongkot ako last week, eto ang mga pinamaraka ko sa quiapo: the classic (nirekomenda ni J. at kailangan pa talagang sa "THE BIG DAY" panoorin?!), love actually, y tu mama tambien (tambling!), at their eyes were watching god.

Kung ano mang apoy yan...

Announcement muna. Speaker si Rep. Teddy CasiƱo ng Bayan Muna party list sa forum tungkol sa charter change. Ito ay gaganapin bukas, 9-11am sa UP Manila Social Hall (8th floor ng PGH).

Thesis na ako! Balak ko kahit mag-extend ng isa pang sem para naman mas maayos yung output ko. Balak ko ring ituloy na lang iyong topic ko sa fieldwork, iyong tungkol sa labor subcontracting, para mas madali para sa akin at mas mapalalim ko pa ang pag-aaral tungkol dito. Me isa pa akong plano. Kung matuloy yon, malaki ang magiging pagbabago. Magagawa ko ang matagal ko nang gustong gawin. Sabagay, pagkatapos ng college, iyon na naman talaga ang naiisip ko. Ngayong patapos na ako ng MA, ganun uli ang moda ko. Nakakatawa nga, yung iba nage-MA para mas maging competitive sa job market (salary, qualifications). Tapos heto ako, taliwas sa agos. Tanong nga sa akin ng aking CO sa fieldwork, ano raw ba ang magiging trabaho ko pagkatapos, ang maging organizer din? Mas kahanga-hanga sila. Eto kami nag-aaral ng MA samantalang sila ang bihasang-bihasa na sa gawaing ito kahit walang kakabit na college o MA diploma.

Naalala ko tuloy yung binahagi ni Dr. Ryan Guinarao. Yung kapwa raw nya mga doktor, tumulak na sa ibang bansa. Sabi ng mga doktor na ito, mas makakatulong daw sila sa bayan kung may pera na sila. Sabi naman ni Dr. Ryan, hindi mo na kailangan ng maraming pera para makatulong. Ang ibinubuhos nyang time at effort ay sapat na. Ngayon, bukod sa pagtuturo sa St. Louis University, isa rin syang community organizer. May plano rin syang magkampanya sa pagtatalaga ng mga school nurse sa mga pampublikong paaralan. Katwiran nya, maraming taon ang ginugugol ng mga kabataan sa paaralan. Di nga ba't mas mabuti kung mayroong permanenteng nurse na tututok sa kalusugan at kapakanan ng mga ito? Ngunit syempre, ang realidad ay marami nang nurse na naga-abroad. May pag-asa pa. Marami ring katulad ni Dr. Ryan. Ang galing. Hanga ako sa kanya. Hanga ako sa mga taong katulad nya.

Maraming pinapatay na peryodista at human rights activists sa mga probinsya. Marahil nga hindi ito ang tamang panahon para sa mga taong tumataliwas at tahasang lumalaban sa agos. Ngunit mapipigilan mo ba kung ang apoy ay nag-aalab na?

Wednesday, June 14, 2006

for sale: lualhati bautista's novels, P20 each

galing sa isang e-group:

for sale: lualhati bautista's novels on women's bodies, women's rights:

desisyon
sa kabilang panig ng bakod
hugot sa sinapupunan

P20 each, brand new. please text bebang at 0919-3175708 or email
bebang_ej@yahoo.com.

eto naman ang mga pamana ni J:

oranges are not the only fruit (jeanette winsterson)

slammerkin (emma donoghue)

lady oracle (margaret atwood)

Thursday, June 01, 2006

fiesta '06

ang galing naman ng mga high school students sa chile, talagang ipinaglalaban ang karapatan nila. samantala, dito sa pinas ay haling na haling naman tayo sa PBBTE. maging ako ay kinikilig sa KIMERALD kahit LUGMOK ako. ikaw, ano'ng TEORYA mo?

***

matagumpay ang pamimigay namin ng school supplies. may mga humahabol pa kaso hindi sila kasama sa listahan kaya hindi nabigyan. ang sunod, orientation tungkol sa ra 9262 sa mga barangay.

***

isinama ko ang aking tatlong officemates sa fiesta sa barangay namin sa calapan. ito na nga yung barangay silonay kung saan kami namigay ng school supplies. bago iyon ay pinag-iisipan ko na kung saan ko pa sila ipapasyal. pinatiuna ko nang hindi ito parte ng puerto galera at ang pagtitigilan namin ay isang maliit na coastal community.

day 1. isinama ko sila sa silonay para mamigay ng school supplies. pagkatapos noon ay nag-jimwel kami noong gabi. pio and fe's pa sana kaso hindi naman kami lango. (tumatanda na hehe)

day 2. babang luksa ng tiyo ko. ang daming handa, para na ring piyesta. pagkatapos noon ay diretso nang pulo. pinagbabawal na raw maligo doon pero nakapunta pa rin kami. hindi na masyadong mabato kasi dahil daw tinangay na nung bagyo. ang tradisyon ay sa may 31 pa dapat magpupulo e dahil nga aalis na kami ng 30, uunahin na namin ito. ang dami naming baon, lumpiang sariwa ng mama kabilang na ang binangi (inihaw) na saging na noon lang nila natikman! gabi. bisperas ng piyesta. nanood kami ng koronasyon. may sayawan pa pero nag-videoke na lang kami. patok ang inarkila naming videoke! putsa ang gagaling ng mga kasama ko, dinaan ko na lang sa rakrakan ahaha! sumaglit din kami sa sayawan kaso ang luluma na ng tugtog. balik sa videoke hanggang alas tres.

day 3. naghanda na para mamili sa bayan. dinala ko sila sa palengke. walang nagbebenta ng tulingan, nakikipamiyesta ata lahat. ang sunod ay sa mga tuyo. syempre ang ating sikat na biya na mula sa naujan lake (question: sa naujan lake lang ba makikita ang biya?) namili rin sila ng tuyong bisugo at manamsi. pagkatapos ay sa town (city pala) proper naman. dinaanan namin ang kaisa-isang mall sa calapan. dinala ko sila sa merong cassava cake at banana chips. ayaw. tapos ay dun sa mga mangyan products. patok! ang dami nilang nabiling bracelet, necklace, t shirt (na kaiba sa mga t shirt na nasa mga mall) at pati pinagtabasan ng ostiya na pinagbebenta ng benedictine nuns (uh, noon ko rin lang nakita iyon). pwede rin sana sa peking siopao kaso handaan na nga ang puountahan namin kaya pinagpaliban na. pagkatapos ay pumunta na kami sa terminal ng traysikel sa plaza. ahaha, umakyat kami dun sa me tamaraw na bato. ngek, hindi ko na nga matandaan kung kelan ako huling umakyat doon. at katapat pa iyon ng school namin ha! balik uli sa silonay para mamiyesta. dalawang bahay pa lang, suko na! pagkatapos ay naghanda na sila para umuwi. mukhang nasiyahan naman sila. nagpaiwan pa ako.

day 4. iniyakan ang palabas na tribute ke john lennon habang nasa supercat. naalala ko ang sinabi ni utol nung lasing siya noong gabi. nakakaiyak.

lugmok muna uli.