Thursday, June 01, 2006

fiesta '06

ang galing naman ng mga high school students sa chile, talagang ipinaglalaban ang karapatan nila. samantala, dito sa pinas ay haling na haling naman tayo sa PBBTE. maging ako ay kinikilig sa KIMERALD kahit LUGMOK ako. ikaw, ano'ng TEORYA mo?

***

matagumpay ang pamimigay namin ng school supplies. may mga humahabol pa kaso hindi sila kasama sa listahan kaya hindi nabigyan. ang sunod, orientation tungkol sa ra 9262 sa mga barangay.

***

isinama ko ang aking tatlong officemates sa fiesta sa barangay namin sa calapan. ito na nga yung barangay silonay kung saan kami namigay ng school supplies. bago iyon ay pinag-iisipan ko na kung saan ko pa sila ipapasyal. pinatiuna ko nang hindi ito parte ng puerto galera at ang pagtitigilan namin ay isang maliit na coastal community.

day 1. isinama ko sila sa silonay para mamigay ng school supplies. pagkatapos noon ay nag-jimwel kami noong gabi. pio and fe's pa sana kaso hindi naman kami lango. (tumatanda na hehe)

day 2. babang luksa ng tiyo ko. ang daming handa, para na ring piyesta. pagkatapos noon ay diretso nang pulo. pinagbabawal na raw maligo doon pero nakapunta pa rin kami. hindi na masyadong mabato kasi dahil daw tinangay na nung bagyo. ang tradisyon ay sa may 31 pa dapat magpupulo e dahil nga aalis na kami ng 30, uunahin na namin ito. ang dami naming baon, lumpiang sariwa ng mama kabilang na ang binangi (inihaw) na saging na noon lang nila natikman! gabi. bisperas ng piyesta. nanood kami ng koronasyon. may sayawan pa pero nag-videoke na lang kami. patok ang inarkila naming videoke! putsa ang gagaling ng mga kasama ko, dinaan ko na lang sa rakrakan ahaha! sumaglit din kami sa sayawan kaso ang luluma na ng tugtog. balik sa videoke hanggang alas tres.

day 3. naghanda na para mamili sa bayan. dinala ko sila sa palengke. walang nagbebenta ng tulingan, nakikipamiyesta ata lahat. ang sunod ay sa mga tuyo. syempre ang ating sikat na biya na mula sa naujan lake (question: sa naujan lake lang ba makikita ang biya?) namili rin sila ng tuyong bisugo at manamsi. pagkatapos ay sa town (city pala) proper naman. dinaanan namin ang kaisa-isang mall sa calapan. dinala ko sila sa merong cassava cake at banana chips. ayaw. tapos ay dun sa mga mangyan products. patok! ang dami nilang nabiling bracelet, necklace, t shirt (na kaiba sa mga t shirt na nasa mga mall) at pati pinagtabasan ng ostiya na pinagbebenta ng benedictine nuns (uh, noon ko rin lang nakita iyon). pwede rin sana sa peking siopao kaso handaan na nga ang puountahan namin kaya pinagpaliban na. pagkatapos ay pumunta na kami sa terminal ng traysikel sa plaza. ahaha, umakyat kami dun sa me tamaraw na bato. ngek, hindi ko na nga matandaan kung kelan ako huling umakyat doon. at katapat pa iyon ng school namin ha! balik uli sa silonay para mamiyesta. dalawang bahay pa lang, suko na! pagkatapos ay naghanda na sila para umuwi. mukhang nasiyahan naman sila. nagpaiwan pa ako.

day 4. iniyakan ang palabas na tribute ke john lennon habang nasa supercat. naalala ko ang sinabi ni utol nung lasing siya noong gabi. nakakaiyak.

lugmok muna uli.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home