ang dami kong nakilalang bagong mukha kahapon. dala na rin ng sitwasyon, kahit sa unang pagkikita ay natural lamang na magkapalagayang loob kami dahil dito nakasalalay ang performance namin at wala kaming ibang aasahan kundi ang bawat isa. pagkatapos ng maghapong session, nagpalitan kami ng cellphone number. me isa pa ngang teacher sa subic na nagyaya sa akin na magsalita tungkol sa human rights at gender stereotyping.
pag-uwi ko, may mga nakilala na naman akong mga bagong mukha. etong namang mga bagong mukhang ito ay hostile at nambibiktima ng mga pasahero ng fx na katulad ko. naholdap na naman ako naknamputsa! pag minamalas ka nga naman. maghapong nakapatay ang cellphone ko e kasi me mga sessions nga kami. binuhay ko na lang nung pauwi na ako dahil me hinihintay akong mga text.
tumunog si cellphone sa fx. biglang napakislot ang mama na katabi ko. kahit pagod, bigla akong naging aware sa paligid ko. ang mismong katabi ko ay may dalang clutch bag na matigas. yung katabi naman nya ay malikot ang mata at parang balisa na hindi mapakali. nakupo, tama kaya ang naiisip ko? pero nakita ko naman na may cellphone din yung isa. siguro naman hindi. nag-silent mode na lang ako ng cel saka hindi ko na ibinalik sa bag. pero wala rin.
nung nakalampas ng banawe at nag-trapik, nagdeklara na ng hold-up. parehong may baril mamu! syempre binigay ko agad. eto namang ale na katabi ko, ayaw pang ibigay e ako yung katabi nung mga mama. baka ako ang maputukan, anoh?! ang malas naman nung babae sa likod kasi kasasakay lang nya nung magdeklara ng hold-up. yung babae naman sa unahan nakuhanan ng N90. yung katabi nyang lalake, kukunin sana ang wallet kaso sabi nung isang holdaper, "wag na pare, me pamasahe pa naman tayo."
inutusan nila ang driver na lumiko sa d. tuazon at nagbantang babarilin kami kung hindi papaharurutin ng driver ang fx nya. e di bumaba na nga ang mga holdaper. habol pa ng babaeng katabi ko sa mga holdaper, kahit ilaglag na lang daw ang sim nya sa kanto. wa epek. tuluyan nang bumaba ng fx ang mga ito.
sabi ng mga kapwa ko pasahero sa driver, maghanap kami ng pulis. o, e di bumalik kami sa q ave. nakita pa raw nila yung dalawang holdaper na nag-aabang ng dyip e. pumunta kami sa rotonda police station. dala na rin ng sitwasyon, kahit hindi kami magkakilala nitong mga kasakay ko sa fx, bigla kaming naging magkakaramay. hawak-kamay kaming tumawid papunta sa istasyon.
inilarawan namin yung dalawang holdaper. ano'ng kulay ng damit? ano'ng itsura? me dalawang pulis na sakay ng motor na dumiretso na dun sa lugar na pinangyarihan ng holdap. paano kaya nila hahanapin ang dalawang holdaper base lamang sa mga deskripsyon namin?
me dumating pang dalawang pulis na naka-sibilyan. "ano'ng kaso yan?," anila. "holdap sa taxi, kinuha ang mga cellphone." sabi nung isa, "a, yun ba yung malaki ang mata na mataba na punggok? oo, si bentong yun. dumale rin ang mga yun kahapon e. ano'ng dalang baril, .38 at .45 ano?" e hindi naman ako marunong kumilatis kung ano'ng klaseng baril. sabi nung driver, .38 daw. ang alam nga nya isa lang ang may dala ng baril. sabi ko dalawa. buti pa yung pulis alam nya.
yung dalawang babaeng kasama ko, iniwan na lang ang contact numbers nila kasi me meeting pa raw sila. binigay ko na rin ang number ko sa office. ini-refer kami ng mga pulis sa la loma dahil ito raw ang maysakop ng pinangyarihan ng holdap. pinahatid na kami sa fx driver. kasama ko yung isang babaeng naagawan ng N90 saka yung kasama nyang lalake. feeling ko naman, kahit alam kong imposible nang mabawi ang fone namin, mas mabuting pormal na i-report sa pulis.
eto na nga, nasa la loma na kami. standard questions, ano ang kaso, ano'ng nangyari, pangalan, edad, civil status, trabaho, address. tapos inilatag sa amin ang sangkatutak na photo album ng mga kriminal. sabi ko, "sir, ano yung pinaka-recent?" itinuro nya sa akin yung isang folder. "e sir, me list ba kayo ng mga recent hold-up at snatching cases?" oo raw, marami raw blah blah.
sinuyod ko yung folder na ibinigay sa akin. hmm, wala e. yung isa, malaki ang mata. parang sya ito a. pero hindi e. hindi ko na tiningnan pa yung ibang photo album.
nakakatuwa yung mga picture. maganda ring research topic ito. yung iba ay todo ngisi pa. yung iba naman ay halos hindi mo na makilala dahil sa bugbog. saka mahirap ding mag-identify ha lalo na kung isang beses mo lang nakita. saka syempre nagi-iba iba na ng facial expression. pag nanghoholdap, syempre matapang ang mukha. iba na pag nagpakuha ng picture. me maamo ang mukha na parang nahihiya o animo ay nagsisisi. merong, yun nga, tumatawa na animo ay pinagtatawanan ang sistema. gaya ng sinabi ko kanina, ang dami kong nakitang bagong mukha ngayong araw na ito.
e di ganon na nga lang, tatawagan daw kami. hiningi ko na rin ang phone number nila. first time ko atang magpa-blotter kaya okay rin na experience. naalala ko tuloy yung tanong sa akin noong umaga doon sa isa sa mga sessions. ano raw ba ang mga naging problema ko at paano ko hinandle yon. wala akong masagot. parang hindi ko naman pinoproblema ang mga bagay-bagay. sabi pa nga ni eds, bakit daw ba parang wala akong problema samantalang sya raw ay andami-dami? ewan ko.
tinawagan ko ang mama pagdating sa bahay. sabi ko naholdap ako blah blah. "syanga? naku. o sya, hintayin mo ang tawag ko at may ipapadala akong ulam sa byernes. o sige."
hehe, wag na kayong magtaka ganyan talaga ang pamilya namin. kami ang mga taong-bato hehe.
tanong naman ng mga friends ko, "ano'ng itsura? ano'ng suot?" mga sistah, hindi naka-leather jacket, hindi mukhang max alvarado. hindi talaga maiiwasang mag-stereotype.
kaya sistahs, simula ngayon ay hindi muna ako magse-cellphone. mag-email na lang kayo o tumawag sa office namin. sa gabi naman ay sa phone ng pinsan ko kayo mag-text. aba, noong december ay nagpalit ako ng sim para hindi ko na maka-text ang mga ayaw kong maka-text. ngayon naman ay talagang incommunicado na ako. kaya kung gusto nyo talaga akong ma-kontak, kayo na ang gumawa ng paraan. kokontakin ko rin naman kayo e. tetestingin ko kung maaari ba akong wala munang cellphone.
pero sino'ng maysabing hindi ako affected? hindi rin agad ako nakatulog. iniisip ko yung baril saka yung mukha ng lintik na malaki ang mata na mataba na punggok na yun!
talk about stereotyping! talk about human rights! grrr!