Thursday, July 20, 2006

para kay J

ang 27 na bagay na nagpapaalala sa akin kay J:

1. ang kanyang matte lipstick noong college
2. ang kanta nina Kavana at Seal (Kiss from A Rose) habang naglalakad papasok
3. ang kanyang napigtal na sandalyas sa paglalakad sa Sunken Garden
4. ang aming CR break
5. ang kanyang Supersize na order
6. ang kanyang blue compact mirror na ginagamit ko noon sa socio class (nasa iyo pa ba?)
7. ang kanyang sobrang kaputian
8. ang kanyang rolling of eyeballs
9. ang kanyang bungisngis at halakhak
10. ang pagse-share nya ng kahit ano'ng impormasyon (ala-PEX)
11. ang kanyang pagiging easy to please at pagiging kaladkarin (kahit saan dalhin)
12. ang page-edit nya sa grammar ko
13. ang kanyang katalinuhan
14. ang kwento ng kanyang first love
15. ang pigpen at ang mga kakatayin
16. ang pagbu-boost ng confidence
17. ang pagbibigay sa lahat ng mga pabor
18. ang sobrang pang-unawa
19. ang galing nya sa pagbabasa ng aking iniisip at nararamdaman
20. ang genuine concern nya (Mother Hen!)
21. ang pagturing nya sa akin bilang pamilya
22. ang pagkagiliw ng nanay ko sa kanya
23. ang kanyang lakas ng loob sa mga pagsubok
24. ang kanyang pagmamahal sa pamilya
25. ang pagse-share nya ng kanyang mga pangarap
26. ang pagtitiwala nya sa iba pang mga bagay
27. ang pagtanggap nya sa akin

mami-miss kita, J. sobra-sobrang pasasalamat ang ipababaon ko!

2 Comments:

At 6:17 PM, Anonymous Anonymous said...

hay, ang istorya ng buhay...sipag mo mag-blog ah.....

 
At 10:09 AM, Anonymous Anonymous said...

Uy grabe, may tribute pala sa akin dito. Pero, huli man at magaling --huli pa rin! Di ba request ko to nung bday ko? =P)

Anyway, touched naman ako rito...Napapangiti ako habang binabasa ko ang listahan..Naalala ko ang college days...Haaay!!! (At siyempre di ba kelangan pa talagang sabihin na Supersize ang order ko! HMpphhh! You're NOT my friend! hahaha!)

Salamat kaibigan! Sinusuklian ko lamang ang kabutihan at pagtanggap mo sa akin. Miss na kita!

PS: Wala na ang blue compact mirror noh! Asa ka pa! Siyempre basag na yun, eh lagi ba namang mukha mo ang narereflect eh hehehe! (Di ba eto yung mga panahon na meron kang miniscule ponytail? 1-inch ba o 2-inch in length? ahihihi) Joke lang! Love you lola!

PSS: Hoy mag-update ka! =)


J

 

Post a Comment

<< Home