Wednesday, May 10, 2006

laughter in the rain

ayus! umulan na nga at pagkalakas-lakas pa! me kasama pang kulog. ang babaw.

sabi ko sa kanya, pag nagkaanak kami, gusto ko ay sa UP din ito mag-aral. sabi naman nya, hayaan daw namin na ang bata ang magdesisyon kung saan nya gusto. sabi ko, ano pa ba ang pipiliin ng bata e yun na ang the best para sa kanya? syempre gusto ko lang ang best para sa anak namin. bata pa yun, kailangan nya na me makatulong sa pagdedesisyon. sabi nya, me sariling isip daw ang bata. doon sya kung saan sya masaya.

ako, maraming pangarap, maraming gustong makamit, maraming gustong gawin. sya, simple lang . gusto nyang tumira malapit sa dagat. nakikinita na nga nya, kaming dalawa, nakaupo sa bangko sa dalampasigan, maputi na ang mga buhok, magkahawak ng kamay habang nakatanaw sa karagatan.

sabi ko, pwede namang pagsabayin. pwede namang maipagpatuloy ko ang aking mga gawain habang bumubuo ng pamilya. ngunit noong nagtagal, hindi na talaga maipagkakaila pa na tuluyan na kaming nagkahiwalay ng landas. mas akma sigurong sabihin, lalo na noong mga panahong iyon, na napag-iwanan ko na sya. nasisikipan na ako sa maliit na mundo na pinapanday nya para sa aming dalawa.

kung saan ang patutunguhan ng sinasabi kong landas ay hindi ko alam. ang alam ko ay may mas malaking mundo na nakalaan para sa akin. at hindi na sya kabilang doon.

sa pagtahak ko sa laban ng buhay, napagtanto ko na noon pa man ay sya na ang tama. noon pa man, alam na nya kung ano ang gusto nya, kung ano ang makapagpapaligaya sa kanya. ako ngayon, nag-aapuhap ng anumang katiting na alaalang pinagsaluhan namin, nagkukulong sa pait at tamis na aming kwentong pag-ibig.

dahil ngayong hunyo, iba na ang makakasama nya sa bangkong iyon malapit sa dagat.

CONGRATS. kahit gaano kalayo...

4 Comments:

At 1:20 PM, Anonymous Anonymous said...

putek! naluha ako sa entry na ito. di bale, ikaw man ay makakahanap din nang makakasama mo sa iyong bahay sa dalampasigan

J

 
At 1:52 PM, Blogger mayang said...

aaw! ito na ang huling entry ko tungkol dito.pwamis!

 
At 9:14 AM, Blogger the soliloquist said...

marahil, hindi sapat na nakatanaw ka lang sa dagat. bakit hindi mo talikuran ang bangko at ihanda ang bangka? malay mo, ang iyong kapalaran ay nasa kabilang ibayo.

 
At 11:22 PM, Anonymous Anonymous said...

oo nga baka nsa kabilang pampang mare!sa kabilnag parte ng isla mo makikita hinahanap mo kung saan maraming mga talahib at cogon.heh!gusto lang kitang pasayahin, lintek seriousness.smile ate
go go go secret society of the matronix!

 

Post a Comment

<< Home