Monday, July 31, 2006

P1,000/unit

sa kanyang weekly update, sinabi ng aming chancellor kanina na may mga panukala na ang board of regents na itaas ang tuition ng P1,000 per unit sa manila at diliman at mas mababa sa ibang up units. noong '89 pa raw naman huling itinaas at ang halaga na ng kasalukuyang P300 per unit ngayon ay katumbas na lamang ng lampas P98.

sabi nga ni sir arao, mas mababa na nga ang halaga ng piso ngayon. dahil doon ay hindi sapat ang minimum wage sa daily cost of living ng isang pamilyang may anim na myembro.

e di dapat mas itaas pa ang sahod at hindi yung limos lang ang binibigay ng gobyerno para me maipangtustos ang mga magulang sa pag-aaral ng mga anak nila. e di dagdagan ang badyet sa edukasyon. karugtong ito nung talakayan kanina sa breakfast sa studio 23. sabi nung spokesperson ng dep ed, wag raw hanapin ang wala, wag raw maghanap ng pondo kung wala naman.

responsibilidad pa rin ng estado na tustusan ang edukasyon imbes na ibuhos halos lahat sa bayad utang o kaya ay maagaw ng fertilizer fund scam at pagdivert ng owwa fund sa philhealth cards na pinamudmod ni gloria bago mag-eleksyon, sabi nga ni de quiros.

eto ang regalo sa ating mga estudyante sa nalalapit na centennial ng up.

1 Comments:

At 6:32 PM, Blogger DeLi said...

ibig sabihin nito, kailangan ko ng tapusin ang masters ko! aww! hindi na kaya ng bulsa ko pag nagkataon he-he....ill be in tehpoor man's grave

 

Post a Comment

<< Home