Thursday, August 25, 2005

My 24 Wishes/Advice for you on your Birthday

Birthday kahapon ng officemate ko at ginawan ko sya ng 24 wishes/advice. Nakakatuwa naman at na-appreciate nya ang mga sinulat ko. Dinaig ko pa ang Papemelroti aminin mo! Ahaha!Magkahalong iiyak at tawa raw ang ginawa nya habang binabasa ito. Happy birthday gurl!

Eto yun:

1. The art of letting go. Talagang ito dapat ang unang-una sa listahan, ano? Tuldukan na! The end na!
2. Don’t fall in love with guys who are insecure, stupid, semi-kal at maraming nunal sa mukha? Ahaha!
3. Sige lang, collect ng collect then select pero wag mong aksayahin ang oras mo sa mga walang kwentang tao. Refer to #2 hehe.
4. There’s a time for everything. Hayaan mong magsipag-asawahan at magsipag-anakan ang mga batchmates mo. Pana-panahon lang yan.
5. Accept people for who they are. Kainis pag hindi mo masakyan ang trip ng ibang tao, ano? Ganyan talaga, iba iba tayo ng ugali. Deadma na lang, di vah?!
6. Don’t sweat the small stuff. Mga anik anik lang yan ng buhay. Wag masyadong karirin at baka ma-haggard pa ang beauty mo lolah!
7. Smile before you open. Ahaha! Pero wag basta-basta ngumiti at baka dalhin ka sa Ward 7.
8. Quit whining and complaining. Positive lang lagi ang aura. Sige ka, baka magmukha kang 25 years old. Aaw! Natamaan ako dun ah!
9. Mawala nang lahat, wag lang ang pers pamili. Pramis, hinding-hindi ka nila iiwan iha. Kahit magpatulog ka pa ng sandosenang lalake sa haus, echos!
10. Cultivate friendships that last. Okay lang na kokonti na sila basta alam mong sila ang talagang makakadamay mo hanggang forevah!
11. I am a special person. Repeat several times.
12. Tatak ….. No more identity crisis. Ikaw ay ikaw. We love you for that.
13. Don’t depend on others for your happiness. Ikaw at tanging ikaw lamang ang susi sa iyong kaligayahan.
14. Take time to reflect and listen to your inner self. Kaya lang ingat ka, baka ibang boses na ang marinig mo. Refer to #7.
15. Count your blessings. There are a lot of reasons to be thankful for. Yan ang mabisang lunas sa demonic at NEGA thoughts.
16. Widen your horizons, go out and explore. "Spread your wings and prepare to fly/For you have become a butterfly/Oooohhhhh ooooohhhhh…"
17. Kakarerin na ba talaga ang law school? Go girl! Show ‘em what you’ve got.
18. Continue to extend a helping hand hanggang maging Lastikman ka na! Salamat mamu dahil you always help me. You make my life easier and brighter. Brighter daw oh?!
19. Instant ayos! Instant ayos! Lord, pahabain mo na ang buhok ni ….! Ngayon din!
20. Love your body. You’re not fat! Nasa pagdadala lang yan noh?!
21. Dance class again this summer! Jazz daw sabi ni Majal.
22. Don’t forget your veggies and milk na rin rin for your bones.
23. Share your blessings. Naku ha?! Swerte naman ng mga pamangkin mo. Ampunin mo na nga ako!
24. At ang panghuli, reward yourself. You deserve it. Bili ka pa ng maraming tiger collectibles. Mag-collect ka na rin ng mga fafa! Ahahay!

Friday, August 19, 2005

Romanticising Rape

Ang labo ng setup nina Nea at Ivan. Ano yun, pagkatapos ma-rape ni Ivan si Nea ay magkaka-inlaban na sila, magkakapatawaran and they will live happily ever after? The end na ang soap opera. Sana nga ganun kasimple ano?

Masyadong naro-romanticise ang konsepto ng rape. Me kasabihang kung saan ka nadapa, doon ka bumangon. Ang daming kaso na ganito. Si propesor nang-rape ng estudyante, syinota, tapos hiniwalayan din pagkaraan. Si babae nakipag-inuman sa mga kaibigan nyang lalake, nalasing, na-rape nung isa. Hindi na makapanlaban dahil hilung hilo sya. Nag-sorry si lalaki. Talaga lang daw matagal na nyang gusto si babae. Na-flatter si babae. Niligawan eventually ni lalaki. Naging sila.

Feeling siguro ng mga babae, lalo na pag kilala nila at pinagkatiwalaan nila yung attacker nila, kaya sila nagawang halayin ay may gusto talaga sa kanila kaya diretso na sa pakikipagrelasyon para i-justify yung pangyayari.

Would you believe that girls/women actually fantasize of being raped? Yung tipong you and me against the world ang drama. Ila-lock ang babae sa isang dungeon o kastilyo o dadalhin sa isang remote island at doon ay "rereypin" sya. After some time, mahuhulog ang loob ni lalaki, main-in love na rin si babae, at sila ay magsasama ng maluwat.

But if things do not turn out the way women want them to be, that is, a chance to have a lasting relationship, saka na lang sila matatauhan at mare-realize na na-violate sila. Sisisihin na nila ang sarili nila. Actually, me katangahan din naman talaga sabi ni Ma'am. Masyadong nagtiwala, sumama sa puro lalake, naglasing. Pero ang issue ay rape. It's a case of men using their power to violate women. At sabi nga uli ni Ma'am, even sluts and prostitutes can be raped.

Naku, andaming pang issue. Bakit daw hindi nanlaban ang babae o kung nanlaban man ay bakit hindi pa itinodo? At ang pamatay na linya sa Ipaglaban Mo The Movie, "Nasarapan ka ba?" Ito ang pinakabago kong natutunan. Sabi nila hindi ka raw maa-arouse pag rape kasi pinilit ka. Pag nasarapan ka, ibig sabihin ginusto mo na. E sabi ni Ma'am, sa iyon ang normal na reaksyon ng katawan ng babae e.

Marami pang mga bagay na dapat matutunan at pag-isipan tungkol sa rape. Ang punto ko lang muna ngayon ay wag nang i-romanticise pa ito. Hindi ko rin sinisisi ang mga rape survivors. Mas lalong hindi ko hate ang mga lalake. Biktima sila, mapa-babae o lalake, ng maling paniniwala at sexist na lipunan.

Aantabayanan ko na lang kung ano ang kahihinatnan nina Nea at Ivan. Pihadong isang malaking melodrama ang mangyayari. And as usual, pag melodrama, bitin ang ending. In-assume lang na happy ever after nga. What's next? Ano ang eksena sa totoong buhay?

Tuesday, August 16, 2005

walang relevance

walang relevance. down na down ang sistema ko nitong nakaraang linggo. mistulang problem without a name ni betty friedan ang drama. borlogs ako kahapon e. not enough vitamins. last night, reward came in the form of high grade in midterm exam (pwede na rin. dapat kasi inubos ko yung oras. har har. nagpapaka-haggard ang lolah mo).

na-carry over ko ang medium high ngayong araw. marami akong natapos na trabaho sa opisina. still, that problem without a name lingers.

time out muna sa politika. personal is political muna (ulet).

Monday, August 08, 2005

mga eksena bago ang midterm exam

gosh! dapat nag-aaral na ako ngayon para sa midterm exam mamaya. nag-xaymaca pa ako last friday with mariel and paul (salamat sa libre paul!) realized na puro big mountain ang kinakanta ng brownman. vowed na maghanap ng big mountain album instead of brownman. also saw daryl. itinuro niya kami sa kasama nyang girlaloo at sinabing binanggit na pinsan kami instead of pimp nya (ahaha!)

saturday. 12pm nang nagising kina mariel. attack ng natirang tuna spaghetti at baliwag lechon manok. hinintay si julia at ang bulagaan sa eat bulaga. nanood ng konting startalk at etk saka sinalang ang hitch sa dvd habang kumakain kami ni mariel ng tig-isang pint ng ice cream, mango sa akin strawberry sa kanya. naligo tapos pumunta sa ukay. on the way, nakakita ng pansit malabon resto. tsumibog ng pansit malabon (ano pa ba?) saka sago't gulaman. feeling namin nasa laguna kami. laid back ang drama. tatlong ukayan ang pinuntahan. nakakita ako ng bohemian jacket at cropped pants. ayus na rin sabay uwi na. bye bye na kami ni mariel.

sunday- sunday routine. basa ng inquirer sabay kinig sa lsfm (so old school ano?). naligo at diretso attack sa aking paboritong sm north kahit malapit sa sm san lazaro. nag-withdraw sa pnb. magde-deposit sana sa banco de oro kaso sarado. bibilhin sana yung step in sa our tribe pero nagmahal na. nagpa-ikot ikot para maghanap ng step in pero walang nagustuhan. me nakitang cd player with fm na philips ang tatak. pinagpaplanuhan kung bibilhin next week. bumili ng pulp magazine na ang cover ay bamboo. makailang ulit nang hinawakan ang album ng brownman revival sa radio city, odyssey at tower pero hindi pa rin binili. naghahanap ng franz ferdinand at big mountain pero walang makita. merong white stripes sa tower pero nagdalawang isip bilhin. binalikan ang sideways cd sa loob ng sm pero hindi makita. bumili ng hairband saka isang dosenang itim na hanger. nag-grocery ng kaunti at nakaramdam ng gutom kaya kumain sa katabing french baker. paglabas, bukas pala ang branch ng banco de oro sa may side ng pila ng fx kaso mahaba ang pila sa loob ng bangko.

umuwi na. nanood ng the buzz at inabangan si julia sa hollywood dreams. nagbasa-basa saka inantok at natulog.

good luck sa akin mamaya.

Friday, August 05, 2005

second wind

today is my second birthday. yeah, you read it right.

pauwi na ako. half day kasi kami ngayon. may in-email lang ako na position paper about wiretapping na pinapagawa ng pinsan ko.

happy weekend!

Tuesday, August 02, 2005

just a case of pms

nabuburyong ako! grabe, midterms na pala namin next week e hindi pa kumpleto ang readings ko. napansin ko rin ang tamad tamad ko this sem. hindi ako masyadong nagbabasa. hindi ako nago-online research sa office saka hindi ako nagla-lib. gustung-gusto ko na laging matapos ang klase. sabi ni li, bakit ka ba laging nagmamadali umuwi? interesting naman ang mga subjects ko ngayon. in fact, swak na swak ang mga ito sa trabaho ko dito sa center. siguro ako lang talaga. nagiging complacent ako. last sem ko na ito ng lecture subjects. naka-fifteen units na ako at okay naman ang mga grades ko nung nakaraan. it's also a case of being almost there (malapit ko nang makumpleto ang requirements ko) pero malayu-layo pa. itong nararanasan ko ang period of routine/monotony (translation: boring).

sa kabilang banda, na-revitalize naman ako sa office. ayoko na palang umalis, at least not in the next two to three years. maraming pwedeng gawin, maraming opportunities, nasasaakin lang talaga yun.

-------

grabe naman itong pinsan ko e! pinang-cover ba naman ng notebook ang magazines ko! binigyan ko na nga ng magazine na so-so para yun ang pagkuhanan e bakit ba naman yung women who rock mag ko pa ang napagdiskitahan? sabi ko, "lolokohin mo pa ako e alam ko ang mga gamit ko?! eto na lang sana'ng mga cosmo ang ginamit mo!" buti dalawang pilas lang ang nakuha. nakakaasar! to think na pagod ako at galing ako sa klase. traffic pa kahapon kasi bumaha pala sa españa. buti hindi ko na naabutan. hindi ko nga alam na bumaha e. hindi naman kasi umulan sa diliman, ang lalakas lang ng mga kulog.

------

it's official. ngayon ko lang na-acknowledge na oc ako. i want everything in order and in their proper places. pag hindi ganun, nagpa-panic ako at nadi-disorient. pati sa mga restaurant, gusto ko same table, same seat, same food. teka, oc pa rin ba yun?

------

guess what? naka-civilian na naman ako. ang hirap hirap kasing gumalaw pag naka-uniform. parang i don't look the part. at ito pang si jan, tinatawag akong mila haha (translation: plain). no offense sa mga teachers. magti-teacher din ako e. it's the uniform nga kasi. babaw noh? dati nga pag me interview ako and it's my turn to ask questions, yun ang isa sa mga tinatanong ko. ano ang dress code?

as a first-timer, feeling ko nare-restrict ang mobility ko. at oo na nga, i don't look the part.

JUST A CASE OF PMS