Wednesday, September 06, 2006

patsi patsi

noong nagsimula ang sem, bumili uli ako ng journal sa castro designs. katulad noong nakaraang fieldwork last sem, kako ay doon ko itatala ang mga notes/observation/reflection ko ngayon namang nagte-thesis na ako. kaya ayun, manaka-naka na akong makapag-blog, ang iiksi pa ng entry ko.

kumusta naman ang thesis? nagdadalawang isip na naman ako sa topic ko. ito na ba talaga? baka meron pang iba? aargh! ang hirap maglihi ng mga ideya. bigla na lang gusto, mamaya naman ay ayaw. noong una ay maya't mayang naghahanap, ngayon naman ay pansamantalang iniisnab. me iba pa akong gustong hindi ko mawari. wala namang masama doon. bahagi iyon ng prosesong pagdadaanan at iyon ang pinakamahalaga. kahit pa nga habang buhay akong maglihi. pero wag naman, kailangan kong ipanganak ito sa susunod na taon. uy, mula sa trip to quiapo ni ricky lee.

at, patuloy ang pilgrimage. let's review. up bliss, santolan, KNL, sto. domingo, san diego st., proj. 8, miguelin st., san andres, 1368 TAFT.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home