Wednesday, August 23, 2006

ice queen

parang eksena sa csi o soco. nakabulagta ang patay na katawan sa pagitan ng kahon ng libro at document tray. mga isang araw pa lang sigurong patay. mainit-init pa at bahagya pa lamang nangangamoy. mukhang may tama sa ulo, may bakas ng kaunting dugo sa pinag-alisan ng katawan. sa hindi kalayuan, sa ilalim ng mesa, may mga patak din ng dugo. sa upuang monoblock malapit sa pinto, nagkalat ang tilamsik ng dugo na nagsisimula nang matuyo. naghabulan kaya? nagkaroon ng pagtutunggali? hinataw kaya sa ulo?

ni hindi ko nga napansin ang bangkay. nasa likod ko lang pala, sa likod ng aking work station.

so detached. so disconnected from the world.

yiikkkeeess, kadiri ang patay na daga!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home