Friday, November 17, 2006

cine europa '06







trick of the trade: para siguradong makakakuha ng ticket para sa susunod na screening, lumabas sa cinema after one hour at kumuha sa ticket booth. madali kasing maubos ang tiket lalo na after office hours.

ang downside nga lang, nauunang pumasok ang mga VIP na kalimitan ay foreigner. me ibang pinoy na nakakalusot. hindi na naman kasi tinatanong ng guard. ang malas lang nung isang girlalets, she flashed her admit one ticket. ayun, balik ka sa pila, baby.

naisulat na ni sir roland yung gamit ng spaces sa mall at concert venue. magkaiba raw espasyo ang inookupa ng mayaman at mahirap (mahal vs murang tiket). sa cine europa, ganun din. dahil sponsored ng EU, ang mga reserved seats sa pinakagitna ay nakalaan para sa mga banyaga. maximum viewing pleasure, ika nga. samantalang kaming mga may libreng tiket ay nag-uunahan sa pag-okupa ng upuan na sa tingin namin ay may maganda ring view ng screen. bad trip, on time ang screening pero late na kaming pinapasok. hay, libre nga naman daw. next year uli.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home