Tuesday, January 16, 2007

Liham sa mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas

Ni Joi Barrios-Leblanc *

Congress of Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND)

Inilathala ng Bulatlat



Hubo't hubad,

Nakadipa't nakatingala sa langit

Ang estatwa sa harap ng Quezon Hall.

Iskolar ng bayan

Na nag-aalay ng buhay

Para sa bayan.



Ngunit kung ang iskolar

Ay di na iskolar,

Kung ang pag-aaral

Ay di na abot-kamay

Ng walang yaman,

Ang estatwa'y bakit hindi damitan,

At telang itim ay ibalabal?

Tumutol at magluksa!

Anong kahihiyan ng bayang

Di kumakalinga sa kanyang kabataan!



Pagkat may pangako na binigo,

Batayang prinsipyong naglaho.

Na ang bawat mag-aaral

Sa pinagpipitagang pamantasan

Ay iskolar ng kanyang bayan.

Dapat sana'y, sa simula't dulo,

Buong-buo,

Iskolar ng kanyang bayan.



Inilathala ng Bulatlat


* Si Propesor Joi Barrios-Leblanc, Ph.D. ay dating Associate Dean for Academic Affairs sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman at kasapi ng BAYAN Women's Desk

1 Comments:

At 12:59 PM, Blogger DeLi said...

ganda nito madz, i took a picture of oblation, willpost this too in my blog....

 

Post a Comment

<< Home